Monday , April 14 2025
shabu drug arrest

Sa Sta. Maria, Bulacan
BAHA HINDI ININDA HVT TIKLO SA BUYBUST

SINAMANTALA ng isang pinaniniwalaang notoryus na tulak ang malakas na ulan at pagbaha upang mailusot ang kalakal na droga sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, ngunit hindi ito nakalusot sa matalas na pagmamanman ng mga awtoridad na nagresulta sa kanyang pagkakadakip nitong Sabado, 29 Hulyo.

Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Christian Alucod, hepe ng Sta. Maria MPS, kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, kinilala ang arestadong suspek na si Benito Capili, Jr., alyas Unyo, residente sa Brgy. Lolomboy, Bocaue.

Nadakip ang suspek na nakatala bilang high value individual sa ikinasang buybust operation na isang pulis ang tumayong poseur buyer sa Brgy. Camangyanan, sa nabanggit na bayan.

Nakompiska mula kay Capili ang dalawang P1,000 bill marked money at apat na piraso ng selyadong pakete ng plastik na naglalaman ng hinihinalang shabu, may timbang na 60 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P408,000.

Sinabing ang suspek, mula sa Bocaue ang nagsu-supply ng ilegal na droga sa Sta. Maria at karatig-bayan.  Sinamantala nito ang masungit na lagay ng panahon para mailusot ang kalakal pero natunugan din ng mga awtoridad.

Kasalukuyang nakapiit sa Sta. Maria MPS custodial facility ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

041425 Hataw Frontpage

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

HATAW News Team DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, …