SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
SOBRANG thankful si Heaven Peralejo na nakatrabaho niyang muli si Marco Gallo sa The Ship Show na handog ng Viva Films at idinirehe ni Jason Paul Laxamana. Unang nagkasama sina Marco at Heaven sa seryeng The Rain in Espana kaya naman sa muli nilang pagtatambal hindi niya itinago ang kasiyahan.
Sa media conference ng The Ship Show na isinagawa sa Viva Cafe sa Cubao, sinabi ni Heaven na, “Masaya talaga ako and I’m so grateful to work with him (Marco) again. And yes mas naging close kami kasi halos everyday kaming magkasama. Kasi aside from ‘The Ship Show,’ noong nagpo-promote kami ng ‘The Rain In Espana,’ halos everyday nga (magkasama). And nakatutuwa kasi maganda ‘yung relationship namin sa isa’t isa.
“I think one thing that I discovered sa pelikulang ito is the fact na, sa ‘The Rain…’ kasi medyo sobrang focus kami sa lahat ng mga role namin, here si direk Jason Paul hinahayaan niya kami…na-discover ko talaga na she’s (Heaven) a very good actress and one time may eksena na hindi ko magawa and siya nag-coach sa akin, kaya I’m super grateful ako roon,” sabi naman ni Marco.
Nang matanong ang ukol sa real status ng kanilang relasyon, sinabi ni Heaven na, “Kung ano po ‘yung mga nakikita ng tao, sana respetuhan nila. ‘Yun lang din naman po ‘yung gusto namin na willing kaming ilabas.”
Nasabi pa ni Heaven na tila may trauma na siya sa pakikipagrelasyon. “Opo mayroon (trauma). Kasi parang if ever papasok ako sa isang relasyon, gusto ko ‘yung pangmatagalan, kung pwede nga hanggang dulo na eh. “
And for Marco, nasabi nitong, “she’s the boss, she wants to make it private.”
Isa sa mga breakout love team ngayong 2023 na nagpakilig sa televiewes sina Marco at Heave sa kanilang hit series na The Rain in España, at muli magtatambal at dadalhin ng dalawa ang kanilang chemistry sa big screen.
Abangan sina Marco at Heaven kasama ng iba pang cast at panoorin ang pagsali nila sa The Ship Show, in cinemas nationwide simula sa August 9, 2023.
Isang romantic-comedy movie mula kay Jason Paul Laxamana, ang The Ship Show ay tungkol sa twelve participants na hinati sa six pairings para sumali sa isang reality show at maging next big love team ng bansa.
Kilalanin ang anim na love team ng The Ship Show, ang unlikely pairing ng introvert na si Araw (Marco) at ng masayahing si Chia (Heaven), ang cheerful duo na sina Nestor (Tomas Rodriquez) at Tintin (Ashtine Olviga), ang sexy at oozing with confidence pair-up nina Ashley (PJ Rosario) at Belline (Angelic Guzman), ang mag-ex na si Buddy (Rabin Angeles) at Shey (Bianca Santos), ang music lovers na sina Elbrich (Migo Valid) at Marge (Janine Teñoso), at ang “brainy love team” nina Monti (Martin Venegas) at Amor (Madelaine Red).
Sa mga haharapin nilang tasks, dapat mahuli nila ang kilig at makuha ng mga couple ang boto ng mga shipper para malampasan ang lahat ng elimination round. At kagaya ng kahit anong kompetisyon, mas magiging mahirap ang bawat challenges sa pagpapatuloy ng show na susubok sa tibay ng lahat ng couples.
Panoorin kung paano babaguhin ng show ang mga buhay nila at kung paanong ang mga onscreen team-ups ay mauuwi sa real feelings.
Ang The Ship Show ay ang follow-up project nina Marco at Heaven matapos ang massive success ng series nilang The Rain in España na umere sa TV5 at mapapanood din sa Viva One. Ang The Ship Show din ang first lead role nila sa pelikula bilang magka-love team na tiyak na ikaaasaya at aabangan ng kanilang avid fans at supporters.
Ang pelikulang ito ay mula sa multi-awarded director na si Jason Paul na kilala rin sa paggawa ng mga hit romantic movies na may mga relate na relate na hugot lines gaya ng 100 Tula Para Kay Stella at The Day After Valentine’s.
Ito ay handog ng Viva Films at mapapanood na sa cinemas on August 9, 2023.