Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ai Ai delas Alas Litrato

Ai Ai, Quinn pinamugto ang mata ng mga nanood ng Litrato

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAPATUNAYAN ng ng ilang beses ni Ai Ai delas Alas ang galing niya sa drama. Kaya naman hindi na kami masyadong nag-expect pa sa kung may makikita pa kaming bago sa pelikulang Litrato na handog ng 3:16 Media Network at mapapanood na sa mga sinehan simula bukas, July 26, Miyerkoles.

Nakagugulat na mayroon pa palang itataas ang galing ni Ai Ai. Siya si Lolo Edna na inilagak sa home for the aged at nagkaroon pa ng dementia. Ibang-ibang Ai Ai ang napanood namin na ipinakita ang pagka-komedyante sa ilang mga tagpo at ang galing sa pagda-drama habang hinahanap ang kanyang apong si Quinn Carillo o si Angel.

Maraming madamdaming tagpo ang talaga namang tumusok sa aming mga puso mula sa pagiging mataray na lola sa nanliligaw sa kanyang si Bodgie Pascua at sa pagtataray niya sa kapwa naroroong lola na si Liza Lorena.  

Ramdam na ramdam namin ang pangungulila ni Ai Ai sa kanyang anak at apo dahil halos lahat ng mga dumadalaw sa elderly daycare hinahanapan o hinihingan niya ng litrato. Ang rason niya, umaasa siyang makikita ang anak at apo.

Sabi nga ni Ai Ai sa isang interbyu sa kanya, lahat ng mga matatanda, ama o ina, lolo o lola, tiyak na makare-relate sa kanilang pelikula. “Tiyak na maaantig ang damdamin ninyo sa mga pinagdaanan namin ng mga kasama ko rito,” pagbabahagi ni Ai Ai.

At siya namang tunay na nangyari dahil halos namugto ang mga mata ng mga nanood sa premiere night ng Litratona isinagawa sa SM Cinema noong Biyernes.

Hindi talaga namin napigil ang hindi maiyak dahil talagang kumurot sa aming mga puso ang maraming tagpo. Hindi kasi maiwasang mailagay ang sarili sa sinapit ni Ai Ai na hindi malayong mangyari sa sinumang aabot sa ganoong edad. 

Mahirap talaga ang malayo, mawalay, makalimot sa mga minamahal.

Samantala, panalo rin ang ipinakitang galing ni Quinn na bagamat lumabas at nakagawa na rin ng ilang pelikula, rito’y nakipagsabayan siya sa galing ni Ai Ai. Ramdam din namin ang pangungulila niya sa lolang hindi niya nakasama dahil sa lolo niya siya lumaki at ni hindi man lang niya naramdamang maalagaan niyon o maalagaan niya. Kaya naman talagang gumawa ng paraan si Quinn para kahit paano’y maipadama ang pagmamahal sa nawalay na lola.

Pumasok siyang caregiver na ilang araw namalagi. Sa umpisa’y sinabayan ang pagtataray ng kanyang lola Edna at pagkaraan ay naging mag-buddy-buddy. 

Magaling si Quinn sa napakahahaba niyang monologue na talagang ramdam ang pagpigil sa pagpatak ng luha. Mahirap iyon ha sa totoo lang. At dahil pinipigil ang pagluha, mahirap ding magsalita at masakit sa dibdib. Pero naitawid iyon ng ayos ni Quinn.

Magaling din ang dalaga sa eksenang dahil sa paglayo sa ina’y napariwara ang buhay at napunta sa sadistang boyfriend. Ipinakita rito ni Quinn ang pagka-astig at nang mapunta naman sa daycare ay ang lambot ng puso o ang pagiging apo na nagmamahal sa isang lola. Mahirap din ang eksenang ipinaliliwanag niya kung sino ba siya talaga sa buhay ni lola Edna.

Sa kabuuan mahuhusay ang lahat ng nagsiganap sa Litrato. Isang makabagbag-damdamin, napapanahon, at makapamilya. Ito ang pelikulang akmang-akma para sa mga lolo at lola kaya isama na ang buong pamilya sa panonood. Idinirehe ito ni Louie Ignacio para sa 3:16 Media Network.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …