Sunday , November 17 2024
Cristine Reyes Vilma Santos Jerome Pobocan Marco Gumabao Cesar Montano

Cristine, Vilma Santos ng bagong henerasyon — Direk Jerome Pobocan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAY karapatang matawag si Cristine Reyes na Vilma Santos ng bagong henerasyon dahil mahusay niyang nagampanan ang papel ni Helen na siya ring karakter ng Star for All Seasons sa pelikulang Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan na ginawang teleserye ng Studio Viva sa pakikipagtulungan ng TV5.

Pinagbidahan ni Ate Vi ang  pelikulang Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan kasama sina Christopher De Leon at Eddie Garcia at idinirehe ng National Artist na si Ms Marilou Diaz Abaya.

“Maganda ang istorya na nakabase ang teleseryeng ito sa 2 hr classic movie na idinirehe dating Marilou Diaz Abaya noong 1983. 

“Ngayon noong ginawa ng creatives ng Studio Viva in cooperation with TV5,  ginawa namin iyong istorya na pang-teleserye na it will run for 13 weeks,” panimula ni direk Jerome Pobocan bago ang pagsisimula ng special screening and mediacon na ginawa sa Gateway Cineplex noong Sabado ng hapon. 

Iginiit pa ni direk Jerome na dahil sa husay na pagganap ni Cristine sa teleserye, matatawag na Vilma Santos ng bagong henerasyon ang nakababatang kapatid ni Ara Mina.

And hindi naman malayong mabansagan nga si Cristine na bagong Vilma Santos ng bagong henerasyon dahil kung ilang beses na rin namang nabigyang pagkilala ang husay nito sa pag-arte at nagampanan niya ng ayos ang karakter ni Helen. 

Tiyak na ang marami ang mag-aabang sa remake na ito ng TV5, na produced ng Sari Sari Network Inc. in collaboration with VIVA Entertainment, na bukod kay Cristine ay makakasama si Marco Gumabao na hindi na bago ang pagsasama dahil nagkatrabaho na sila Encounter at Di Na Muli ng TV5 pa rin. Sasamahan sila ng beteranong aktor na si Cesar Montano na mas magdadagdag pa ng lalim at kulay sa kanilang “love triangle.”

Tiyak tututukan ng Kapatid viewers ang kuwento ni Helen (Cristine) at ang pagkahati ng kanyang puso sa dalawa niyang mahal: si Rod (Marco), ang dati niyang kasintahan na iniwan siyang lito at sawi at si Cenon (Cesar), isang nakatatandang ginoo na paiibigin siyang muli. Ang kuwento ay iikot sa pag-ibig at paghihiganti na mag-iiwan ng katanungan sa mga manonood—kaninong pag-ibig ang magtatagumpay sa huli?

Ang revival ng classic drama na ito ay nagpapatunay ng dedikasyon ng TV5 sa paghahatid ng mga de-kalidad na entertainment content na magpapatibay sa kanilang afternoon program lineup. 

Mapapanood ang Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan simula ngayong araw, Hulyo 25, Lunes hanggang Biyernes, 4:40 p.m. sa TV5 at 8:00 p.m. sa SARI SARI Channel, na available sa Cignal TV, SatLite Ch. 3, at Cignal Play.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …