Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yen Durano

Paghuhubad at pagpapaka-daring sa pelikula
YEN DURANO HANDANG IPAPANOOD SA AMA  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MATAPANG, walang kiyeme, palaban, may acting. Ito ang napanood naming bida sa pelikulang Litsoneras, si Yen Durano, anak ng aktor na si DJ Durano na gumaganap bilang si Elria Torres, nag-iisang anak nina Jamilla Obispo at Joko Diaz sa pelikulang pinamahalaan ni direk Roman Perez Jr..

First time naming napanood si Yen bagamat hindi ito ang una niyang pelikula dahil nakasama na siya sa Tag-Init ni direk Joey ReyesLovely Ladies Dormitory ni direk Mervin Brondial at ang unang project niya bilang supporting role, ang Baby Boy, Baby Girl ni direk Jason Paul Laxamana at talaga namang may acting at mahusay ang pagkakaganap niya.

Sa Litsoneras ay hubad kung hubad siya at kung ilang beses ang eksenang naliligo siya ng hubo’t hubad kaya naman hindi nakapagpigil na pagnasaan siya ni Victor Relosa. 

Nasabi na noon ni Yen sa mga nauna niyang interbyu na hindi niya kailangang ipaalam sa amang si DJ ang paghuhubad sa pelikula. Katwiran niya, hindi porno ang ginagawa niya kaya naman okey lang na ipapanood sa kanyang ama ang pelikulang pinagbibidahan niya at mapapanood na simula July 28, 2023.

“I feel like he’s gonna be proud of me siyempre,” tiwalang sabi ni Yen sa isinagawang media conference pagkatapos ng private screening kagabi.

“Bilang aktor din na andito rin sa industriya na makita ang anak niya na nagli-lead na ng movie, sure ako na mapa-proud siya. Iyon din naman ang pangarap niya eh, ako na lang ang bahala ha ha ha,” nakangiting sambit pa ng seksing dalaga.

Natanong din si Yen kung bago ang mga pelikulang nasambit sa itaas ay naging child actress siya, ang sagot nito, “Actually noong bata ako talagang umaakting ako…sa magulang ko pero hindi naman siya sa camera ha ha ha,” biro ni Yen na kamukha ni Nadine Lustre at Angeli Khang.

Anyway, ang Litsoneras ay kuwento ng pamilya Torres na nagmamay-ari ng litsunan sa kanilang bayan. Pero sa kabila ng kanilang tagumpay ay isang matinding eskandalo. 

Si Yen si Elria na nag-iisang anak nina Minerva (Jamilla) at Eloy (Joko). Nahuli niya ang kanyang ina na nakikipagtalik kay Jonas (Victor) na nasa 21 taong gulang lamang. Agad niyang kinompronta si Minerva at umamin itong matagal na siyang may relasyon ng binata.

Nakarating iyon kay Eloy kaya naman napabayaan nito ang kanilang negosyo. Umabuso naman si Jonas dahil umasta na itong boss sa litsunan.

At sa kagustuhang mapaghiwalay ni Elria sina Minerva at Jonas, nagplano siya ng isang makapagpapabaga ng mga pangyayari. Kung ano iyon. Iyon ang dapat ninyong diskubrehin at panoorin sa July 28. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …