Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mary Cherry Chua

Mary Cherry Chua epektibo sa pananakot

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAY babala ang pelikulang bagong handog ng Viva Films, ‘wag babanggitin ang pangalan niya kung ayaw mong sundan o dalawin ka niya. Kaya hindi namin alam kung paano isusulat ang titulo ng horror movie na talagang epektibong nakapanakot. 

Sa totoo lang takot kaming sundan at magpakita si Mary Cherry Chua, ang horror film na idinirehe ni Roni Benaid na palabas na ngayon sa mga sinehan at pinagbibidahan nina Ashley Diaz, Lyca Gairanod, Kokoy de Santos. 

Umpisa pa lang ng pelikula ay agad nanakot si Mary Cherry Chua, isang estudyante na namatay sa school na pinag-aaralan nito at ang itinuturing pumatay ay ang janitor na nakulong ng maraming taon.

Nagkaroon ng interes ang isang estudyante, si Ashley na alamin ang dahilan ng tunay na pagkamatay ni Mary Cherry Chua at kung ang janitor nga ba ang tunay na pumatay sa estudyante. Sa pag-iimbestiga, maraming kababalaghang nangyari na talagang ikatitili ng manonood. 

Kung ilang beses kaming napasigaw sa maraming eksena lalo kapag ipinakikita si Mary Cherry Chua na nakatatakot ang hitsura dahil sa duguang mukha nito.

Sa totoo lang bagamat nakatatakot, na-enjoy namin ang panonood at kung may ilang beses yata kaming napasigaw.

Bagamat ngayon lamang nagbida ang anak ni Joko Diaz, effective ito sa ipinakitang pag-arte, hindi trying hard. Para ngang matagal na siyang artista. Magaling din ang direktor bilang first time sa pagdidirehe. Malinis ang pagkakadirehe at magaling manakot ha. 

Kung mahilig kayo sa mga horror movie, panoorin ninyo itong Mary Cherry Chua, hindi nakababagot at interesting ang takbo ng istorya na talagang tututukan mo dahil gusto mo ring alamin kung sino nga ba ang tunay na pumatay kay MCC.

Bukod kina Ashley, Lyca, at Kokoy kasama rin sa pelikula sina Joko, Alma Moreno, Abby Bautista, Krissha Viaje  at marami pang iba. Palabas na ito sa mga sinehan kaya panoorin n’yo na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …