Friday , March 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Christian Vasquez

Christian muntik magtapat serye sa Dos at Siete

RATED R
ni Rommel Gonzales

MASAYA si Christian Vasquez sa napakataas na rating ng Voltes V: Legacy.

Nakatutuwa kasi iyon ‘yung result ng group effort niyo eh, ‘yung ratings. So nakatutuwa, sobrang nakatutuwa,” pahayag sa amin ni Christian.

Bongga ang career ni Christian dahil kasalukuyan siyang napapanood ng sabay sa dalawang teleserye, sa Voltes V: Legacy ng GMA-7 at sa The Iron Heart ng ABS-CBN.

Gumaganap si Christian sa Voltes V: Legacy bilang Boazanian na si Zambojil at sa The Iron Heart naman bilang si Orcus. Ipinagpapasalamat din ni Christian na hindi magkatapat na umeere ang dalawang serye.

Ano kaya ang naging reaksiyon niya kung nagkatapat ang dalawa niyang proyekto?

Wala siguro akong magagawa,” ang natatawang sagot ni Christian, “kasi noong nag-shoot kami hindi ko alam kung anong time [slot] iyon eh, wala, hindi ko naman tinanong.”

Pareho ng kapalaran sina Christian at Epy Quizon. Si Epy ay napapanood din sa Voltes V: Legacy bilang Boazanian ring si Zuhl at nasa cast din ng Dirty Linen bilang si Ador na kasalukuyang umeere sa ABS-CBN.

Alam niyo naiisip ko rin iyan, paano kunwari ‘pag nagkaroon ka ng show na magkatapat? Parang, for me ha, parang… okay ‘yun, eh.

“For me, okay ‘yun. Iyon lang, siyempre sa production hindi okay siguro iyon,” sinabi pa ni Christian na mina-manage ni June Rufino.

Gaganap bilang si dating Sen Manny Villar si Christian sa bagong pelikulang Kuya: The Governor Edwin Jubahib Story na isang biopic feature film na pagbibidahan ng award-winning actor na si Richard Quan at tungkol sa buhay ni Gov Edwin Jubahib ng Davao Del Norte at sa direksiyon ni Francis “Jun”Posadas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelika Santiago

Paggawa ng teleserye na-miss ni Angelika Santiago, mapapanood muli sa “Born to Shine”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NALAMAN namin ang ilan sa mga pinagkakaabalahan lately ng Kapuso …

Tony Labrusca Yuki Sonoda Kelley Day All About Her

Tony Labrusca, happy na makatrabaho sina Yuki Sonoda at Kelley Day sa “All About Her”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Tony Labrusca na masaya siya sa bago niyang …

Maya Maris Racal Julia Barretto

Julia at Maris ipinakita kung gaano kabilis mag-Loan sa Maya

KUNG napanood mo sina Julia Barretto at Maris Racal sa kasalukuyang Maya video na nagsasampalan ng pera, alam mo na kaya …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …

Jean Garcia

Jean Garcia kaagapay ng RDR Prod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INANUNSIYO ng RDR Productions, gumagawa ng mga film, socmed stories, at ilan pang …