SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
FEELING Koreana lang kami noong Linggo ng hapon at isa sa mga bida sa Goblin: The Lonely Great God, Crash Landing On You, The King: Eternal Monarch, at My Love From The Stars habang kumakain ng iba’t ibang flavor ng chicken at putahe sa BBQ Chicken na nagkaroon ng ribbon cutting na pinangunahan ng may-ari nitong si dating Ilocos Sur Governor Chavit Singsong kasama ang anak na si Vanessa Singson, gayundin ang Quezon City Vice Mayor Gian Sotto, Cong. Richelle Singson, LCS Group Korea.
Kung napanood ninyo ang mga Korean series na aming nabanggit tiyak pamilyar at makare-relate kayo sa amin. Pero sa totoo lang masarap ang kanilang mga chicken, crunchy pa lalo na iyong parmesan cheese flavor at iyong Tteokbokki gayundin ang Yakult float nila na talagang hinintay pa namin dahil sa rami ng umorder.
Bukod kina VM Gian, dumalo rin sa opening ng BBQ Chicken ang kaibigan ni Gov Chavit na si Korina Sanchez, gayundin sina Rico Robles (na host ng event) at ang Viva Artists Agency talent na si Phoebe Walker.
Ang BBQ Chicken ay matatagpuan sa 3rd Level ng Robinsons Magnolia.
Nai-feature na nga itong restoran na ito sa mga hit Korean series kaya parang nag-travel na rin kayo sa South Korea sa pag-dine in ninyo dahil sa kanilang mga yummy Korean dishes.
Mayroon na palang mahigit sa 3,500 na branch sa 57 countries ang BBQ Chicken.
Ayon kay Singson, mas maraming branch pa ang bubuksan niya sa Pilipinas sa darating na buwan, na ang first branch nito ay sa Bonifacio High Street Central, Taguig City, na nagbukas last year.
Natanong namin si Gov Chavit kung mayroon na siyang napupusuang Korean superstar na magiging endorser ng naturang food chain. Tiyak kasing papupuntahin niya rito sa Pilipinas ang magiging endoser ng Korean restaurant niya tulad ng pagpapapunta niya kay Lee Seung Gi kamakailan.
Pero sa ngayon wala pa raw. Pero tiyak maghahanap din ang LCS Group of Companies ng local stars na puwede rin maging endorser, lalo na ‘yun K-drama at K-pop fanatic, para naman swak na swak sankanilang restoran.