Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ria Atayde

Ria Atayde nagpaka-daring sa Nag-Aapoy na Damdamin

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Ria Atayde na ibang-ibang Ria ang mapapanood sa panghapong handog ng ABS-CBN Entertainment na mapapanood sa TV5, ang Nag-Aapoy na Damdamin.

Ani Rita, ito ang kauna-unahang pagkakataon na tumanggap at gumawa siya ng matured role.

“I think this is the most matured role that I’ve done and I think that’s a difficult experience. And It’s nice to work with people you’re comfortable with and I’m grateful that Toni (Labrusca) is my leading man for this one and our directors are gracious enough to guide us thru every delicate and intimate scene.

“So I guess that’s really the challenge kasi nga as a wholesome tayo,” nangingiting sagot ni Ria nang matanong ukol sa kung anong challenging o memorable experience niya habang ginagawa ang serye na kasama niyang bida sina JC de Vera, Tony Labrusca, at Jane Oineza.

Sinabi pa ni Ria na,“Ibang-iba po tala and ready na po talaga for matured roles na talaga for now.”

At nang susugan ng tanong na kung mauulit pa,  sagot ng dalaga ni Sylvia Sanchez, “Pag-iisipan po natin iyan.”

Iikot ang kuwento ng Nag-Aapoy na Damdamin sa matinding tunggalian nina Philip (JC) at Lucas (Tony), mga kasinungalingan na magdadamay sa mga babae sa kanilang buhay na sina Olivia/ Claire (Jane) at Melinda (Ria), at paghihinganti na isinumpa ni Philip sa pagkamatay ng kanyang mga magulang.

Kasama rin sina Joko Diaz, Kim Rodriguez, Maila Gumila, Carla Martinez, Aya Fernandez, at Nico Antoniosa serye na idinirehe nina FM Reyes at Benedict Mique sa ilalim ng JRB Creative Production.  

Bukod dito pasabog din ang isa pang handog ng ABS-CBN Entertainment at TV5, ang  Pira-Pirasong Paraiso na susubukin ng masalimuot na nakaraan ang totoong pagkatao ng mga karakter nina Loisa Andalio, Charlie Dizon, Alexa Ilacad, at Elisse Joson.  

Iikot ang kuwento nito sa mga magkakapatid na pinaghiwalay at inabandona ng kanilang sariling pamilya noong sila ay bata pa lamang. Magiging tanging misyon ng panganay na si Diana (Charlie) na hanapin ang dalawa pa niyang kapatid na sina Amy at Beth para magkasama sila muli. Ngunit mananaig ang sakim at paghihiganti sa kanilang mga puso at malilihis sila sa katotohanan tungkol sa tunay nilang pagkatao.

Ang Pira-Pirasong Paraiso ay mula sa direksiyon nina Raymund B. Ocampo at Roderick Lindayag sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment. Pagbibidahan din ito nina KD Estrada, Ronnie Alonte, at Joseph Marco, kasama sina Sunshine Dizon, Markus Paterson, Epy Quizon, Art Acuña, at may special participation si Snooky Serna.

Tutukan ang Pira-Pirasong Paraiso (3:00 p.m.) at Nag-aapoy na Damdamin (3:50 p.m.), Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2Z, at TV5 simula Hulyo 25 (Martes). Mapapanood din ang Pira-Pirasong Paraiso tuwing Sabado, 2:50 p.m.. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …