Sunday , December 22 2024
Wilbert Ross Yukii Takahashi Ang Lalaki sa Likod ng Profile

Ang Lalaki sa Likod ng Profile minahal, kinagiliwan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MATAPOS ang 13 linggo ng pagpapakilig, pagpapatawa, pagpapaiyak, at pagpapaibig sa fans, magsasara na ang kuwento ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile ng Puregold Channel. Natunghayan ng mga tagapanood nang magkakilala sina Angge (Yukii Takahashi) at Bryce (Wilbert Ross) sa digital na mundo; ang pagiging magkaibigan at pagpapalagayang-loob ng dalawa, at ang pagkakaroon nila ng malalim na damdamin para sa isa’t isa.

Noong nagkakilala na sila sa “real world”, ramdam na ramdam ang kilig at nagtanong ang mga manonood: magiging sila na kaya? Pero dahil sa pangamba, takot, at iba pang mga bagay, hindi nagkaroon ng pagkakataon ang dalawa na maituloy ang potensyal na pag-iibigan. Umamin lamang sina Bryce at Angge noong huli na ang lahat. Nagkabalikan muli sina Angge at ang kanyang ex na si Jerry (Anjo Resurreccion), at muling naglayo sina Bryce at Angge, sa kabila ng nararamdaman.

Sa gitna ng kaba at pagkasabik na naipadama ng seryeng ito sa mga manononood, naghihintay ang mga tagasubaybay at umaasa sa isang happy ever after sa dulo ng lahat. Tingnan natin kung ano ang mga masasabi ng tagapagtangkilik ng ALSLNP tungkol sa kuwento ng pag-ibig na ito.

“End game” na ba sina Jerry at Angge? Anong gagawin ni Bryce kung ganito nga?

Suspetsa ng mga fan, dahil sa pagiging urong-sulong ni Bryce, nagkabalikan sina Angge at Jerry. Bagamat nakalulungkot ito para sa shippers nina Bryce at Angge, naniniwala silang karapat-dapat lamang na ang makatuluyan ni Angge ay isang lalaking matapang na nagtatapat ng kanyang pagmamahal.

Anong naghihintay kina Ketch (Migs Almendras) at Genski (Kat Galang)?

May kuwentong pag-ibig din ang kuwela at makulit na mga BFF ni Bryce na sina Ketch at Genski, at natuwa rin ang mga tagasubaybay sa kanilang love story. Matagal na kinimkim ni Genski ang nararamdaman para kay Ketch, at nalaman niyang ganoon din pala si Ketch. Kaya lang, kinailangan niyang mangibang-bansa. Ngayon, tinatanong ng mga manonood kung may kinabukasan ba ang dalawa, dahil talaga namang bagay na bagay ang mga ito.

Aprub ba si Bessie (Marissa Sanchez) kay Angge?

Noong nakilala na ng nanay ni Bryce na si Bessie si Angge, hiniling niya rito na huwag sasaktan ang anak. Nagbago man si Bessie sa pagtakbo ng serye, nag-aalala pa rin ang ilang mga tagapanood. Tatanggapin ba ni Bessie si Angge, kung magkatuluyan ang dalawa?

Magtatagumpay kaya sina Bryce at Angge sa kanilang sariling mga pangarap?

Sa nakaraang mga episode, ipinakitang nahihirapan si Bessie sa negosyo ng kanilang pamilya, ang Veggie Boy, at hangad niyang sumalo rin si Bryce rito. Habang si Angge naman ay isang manunulat ng tula, at ang kanyang kaalaman sa pag-ibig ang tumulong kay Bryce sa pakikipag-usap sa mga babae noong virtual wingwoman siya nito. Gusto rin ng mga tagasubaybay na magtagumpay ang dalawa sa kanilang mga personal na buhay, at nang makita nilang mangyari ito kapag pinanood ang finale.

May pag-asa ba sa tunay na pag-ibig sina Bryce at Angge?

Para sa mga naniniwala sa true love, posible pa ang happily-ever-after para kina Bryce at Angge. Ang iba naman, maliit na lamang ang pagkapit sa posibilidad subalit patuloy na umaasa.

Kung masusunod ang fandom, tama lamang na magkatuluyan ang dalawa. Naging mas maayos at mahusay na tao si Bryce dahil sa pagpapakita ni Angge sa kanya ng potensiyal. Si Bryce naman, nanatiling nandiyan para kay Angge sa masaya at malungkot na mga pangyayari, at pinaligaya ito sa taglay niyang pag-aalaga at kabutihan.

Hindi na nakapagtataka na gusto lamang ng fans ng pagtatapos na maibibigay ang hinahanap ng kanilang mga puso. Huwag kalimutang sumubaybay sa finale ng seryeng Ang Lalaki sa Likod ng Profile, na ipinalabas sa opisyal na YouTube channel ng Puregold sa Hulyo 15, 7:00 p.m..

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …