Monday , December 23 2024
Wilbert Ross Yukii Takahashi Ang Lalaki sa Likod ng Profile

Ang Lalaki sa Likod ng Profile ng Puregold Channel angat sa digital serye 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MARAMING handog na mga palabas at serye ang mundo ng digital entertainment sa kasalukuyan, na tumatalakay sa mga mahalagang paksa at tema. Lahat ng ito, hinihingi ang atensiyon ng mga manonood. Gaano man karami ang mga maaaring panoorin, angat ngayon ang Ang Lalaki sa Likod ng Profileng Puregold Channel, na mayroon ng 11 episode, dahil sa magandang naratibo at mahuhusay na mga artista. Ayon sa mga masugid na tagasubaybay, ang mataas na kalidad ng palabas ang dahilan ng kanilang pag-aabang tuwing Sabado ng gabi.

Narito ang limang dahilan ng kaabang-abang na kalidad ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile, na nag-angat sa serye sa kabila ng iba pang mga palabas sa digital na plataporma.

Ipinagmamalaki ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile ang kahanga-hanga nitong cinematography, na maaaring panapat sa mga drama sa telebisyon. Magaganda ang mga kuha, at pinag-isipan ang bawat frame na magtatampok sa kuwento ng pag-iibigan nina Bryce (Wilbert Ross) at Angge (Yukii Takahashi).

Binibigyang-atensiyon ng serye ang lahat ng mga detalye, lalo na ang mga eksena sa birtwal na mundo, na unang nagkakilala sina Bryce at Angge. Dahil dito, naging patok ang palabas sa mga netizen.

Isa pa sa mga lakas ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile ang script nito, na nagpapakita ng isang naratibo na may awtentisidad at mga tauhang buong-buo. Itinatampok ng palabas ang isang plot na madaling nakauugnay ang mga manonood. Mula sa kuwelang pagkakaibigan nina Bryce, Genski (Kat Galang), at Ketch (Migs Almendras), hanggang sa komplikado ngunit mapagmahal na dinamiko ng pamilyang Filipino na bakas sa nanay ni Bryce na si Bessie (Marissa Sanchez) at kuya ni Angge na si Cyrus (TJ Valderrama), tunay na natural ang atake ng script, at epektibo nitong naipararamdam ang emosyon at naitutulak ang takbo ng kuwento.

Matapang din na natatalakay ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile ang mahahalaga at kontemporenyong mga isyu, gaya ng modern dating, ang tagumpay at kabiguan ng mga relasyon, ang online na mundo, at ang mga paniniwala at pagpapahalaga ng mga Filipino, kaya naman marami ang nakauunawa ng pinagdadaanan ng mga tauhan mula sa mga manonood.

Puno rin ng talentadong mga artista ang palabas. Bukod sa cinematography at script ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile, ang cast nito ay nakapag-ambag din sa tagumpay, dahil binubuhay nila ang mga tauhan sa pamamagitan ng kanilang pag-arte. Maging ang mga karibal na sina Chili Anne (Moi Marcampo) at Jerry (Anjo Resurreccion) ay minamahal ng mga manonood dahil sa kanilang mahusay na pagganap. Nag-iwan din ng marka si Yaya Aimee (Star Orjaliza) dahil sa pagiging mahusay na aktres.

“Full package” na matatawag ang Ang Lalaki sa Likod ng Profile bilang serye. Sa obserbasyon ng mga netizen, ang bawat aspeto ng palabas–mula kuwento, dayalogo, at mga kuha–ay masinsin ang pagkakagawa. Mayroon pang sariling OST ang serye, at ang unang kantang Sasabihin Ko Na ay isinulat at kinanta ng bida ng palabas na si Wilbert.

Bakas na bakas ang epekto ng palabas sa pananabik ng mga manonood na mababasa sa comments ng bawat episode. Halimbawa, ani @bocatar8598, “May dalawang araw ka na lang sabi ni Tulfo, inip na inip na talaga kami sa part 8. Idol, ilabas mo na, baka naman, para hindi na kita ipa-Tulfo.”

Nagkomento naman si @user-eo8tb9rw6k sa kuwento at mga artista ng palabas: “Ang cute ng story, nakakatawa at nakakaiyak. ‘Yung action at galaw ng mga bida? Totoong-totoo.”

Sang-ayon dito si @jannicolilegarte5278, “Grabe, ang tagal [ng next episode]. Dapat gawin nang araw-araw, at pahabain ang kuwento. Hindi ko akalain na magaling umarte si Yukii, hahaha! My crushie.”

Sabi naman ni, @jakeluxero6569, “‘Di nakakasawa panoorin itong story nina Angge at Bryce, kahit ulit-ulitin mong panoorin, ‘di ka talaga magsasawa.”

Ayon sa iba pang fans, sobrang ganda ng kalidad ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile kaya dapat na itong itampok sa telebisyon.

Sana maipalabas na ‘to sa TV, ang ganda ng kuwento,”  pagbabahagi ni @thelmamejia9417. Sabi ni @geraldevangelista348, “Another great episode! Dapat dito inilalagay na sa TV series talaga. Abangers here!”

Ang iba pang manonood, ibinahagi kung paano nakuha ng serye ang kanilang emosyon at naipaalala ang kanilang mga danas.

Kuwento ni @ricoyon307, “Nakaka-excite naman. ‘Yung kuya kong astigin ipinakita ko lang sa kanya mga naunang episode, parang no feelings lang, pero kahapon nahuli ko siya sa kuwarto pagbukas ko, nanonood nito. Ayun, nahuli ko na kilig na kilig. Hahahaha!”

Nagpasalamat naman si @andreiportillo2870 sa impluwensiya ng palabas sa kanyang pagdedesisyon, “Salamat Puregold, I think I know what to say when the time comes na mag-confess na ako sa kanya.”

Panghuli, binanggit ni @JunildaCanilangyl9oh na dahil sa palabas, sabay-sabay niyang nadama ang iba-ibang mga pakiramdam.”’Yung tatawa ka tapos kikiligin tapos biglang malulungkot ka kasi parang nahuli na si Bryce na umamin kay Angge kasi kasama na niya si Jerry, huhuhu. Laban Bryce! ‘Wag kang magpapatalo sa ex ni Angge!”

Sa susunod na episode, makikita nating nahihirapan pa rin si Bryce sa nararamdaman niya para kay Angge, lalo na ngayong nasa eksena na si Jerry. Si Angge naman, litong-lito sa nararamdaman niya sa isang nakaraang pag-ibig at sa potensiyal na mas magandang pagmamahal.

Mapagtanto na kaya ng dalawa na sila talaga ang para sa isa’t isa, o hahayaan nilang mapangunahan sila ng takot at pangamba?

Sumali na sa fandom at tunghayan ang pinaka-inaabangang digital na seryeng Ang Lalaki sa Likod ng Profile. Abangan ang Episode 12 sa Hulyo 8, 7 l:00 p.m., sa opisyal na YouTube Channel ng Puregold.

Gusto mo ba ng LIBRENG entertainment? Mag-subscribe na sa Puregold Channel sa YouTube. Para naman sa mas marami pang update, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at ang @puregoldph sa Tiktok.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …