Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ara Mina

Ara naiyak 1st time nagkaroon ng sariling daytime show

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

EMOSYONAL si Ara Mina sa paglulunsad ng kanyang kauna-unahang show noong Biyernes, ang Magandang ARAw na mapapanood simula July 15, Sabado, 3:00-4:00 p.m.. sa Net25.

Matagal na sa industriya ang aktres at inamin nitong matagal na niyang pangarap ang magkaroon ng show na siya ang host.

Ani Ara, “Nami-miss ko ‘yung dati, ‘yung ganito. Kaya sabi ko, kailangan, magkaroon tayo ng media launch, hindi lang ‘yung para sa TV lang. Nakaka-miss din ‘yung dati. Na naging part kayo ng career ko for 30 years ng buhay ko. Kaya hindi pwedeng mawala kayo rito,” naiiyak na sabi ni Ara nang purihin siya na hindi nagbabago ng pakikitungo sa entertainment press.

Naiyak din siya nang mahingan ng reaksiyon sa sinabi ni Net25 President, Caesar R. Vallejos na isa na siya sa maituturing na entertainment icon sa showbusiness at ang pangalang Ara Mina ay isa ng entertainer brand sa Pilipinas.

Siguro, parang ngayon ko lang nari-reap ‘yung mga itinanim ko,” naluluhang sabi ni Ara.

Thankful ako, kasi hindi rin biro ‘yung pinagdaanan ko, alam n’yo ‘yang lahat. Saksi kayo roon. And I’m now contented in my life. Sorry ha, nagiging emotional ako kasi sobrang happy ako, na-launch na ito,” sabi pa ni Ara.

Sa totoo lang, grabe ang ibinigay na effort ni Ara kaya nasabi niyang pabiro na halos wala na siyang oras sa kanyang asawang si Dave Almarinez.

At dahil wala na siyang oras natanong ang aktres kung paano na ang plano nila ni Dave na magkaroon ng anak.

Kinausap ko nang masinsinan ang asawa ko. Sabi ko, ‘kailangan, magpondo muna ako ng napakaraming episode bago tayo mag-baby ha? Next year at pumayag naman siya,” paglalahad ni Ara.

Sa July 15 na magsisimula ang Magandang ARAw na mapapanood tuwing Sabado. Si Piolo Pascual ang guest niya sa kanyang first episode.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …