Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Its Showtime TVJ Eat Bulaga

Banggaan, parinigan ng mga noontime show aliw sa netizens

PUSH NA ‘YAN
ni Ambet Nabus

SA ilang araw din naming panonood ng tatlong noontime shows, masasabi talagang hindi maiiwasan ang magparinigan o may isyung biglang lalabas habang nagde-deliver ng spiels ang mga host.

Sa It’s Showtime, pinakanta nila ang batang si Jayce sa ‘Isip Bata’ portion nang biglang mag-dialogue si Jhong Hilario ng, “sa kabila ‘ata ‘yun,” referring to Kahit Maputi na Ang Buhok Ko na ini-request ng bagets. Remember ‘yung same song ng TVJ with Sharon Cuneta sa TV5 launch ng EAT?

Kung si Joey de Leon sa EAT ay nagagawang paglaruan din ang mga salita kaugnay ng helicopter at taas ng inabot nila sa ratings (pahaging sa ginawang pagsakay sa chopper ni Vice Ganda), may sarili ring estilo sina Paolo Contis at kasama sa Eat Bulaga ng TAPE Inc. May mga double meaning words din silang nabibitawan na para bang patama rin ang datingan.

Si Meme Vice nga, noong kasagsagan ng Awra Briguela issue ay may pahaging din sa anak-anakang Awra.

Pinag-chant niya kasi ang madlang pipol kasama si Anne Curtis, sort of resembling the act sa viral video nina Awra and friends noong pinaghuhubad nito ng pantalon ang lalaking nakaalitan nila. Sey ni meme, “very Poblacion.”

Sa recent hirit pa ni Joey sa portion nilang ‘Huwag Ganun’ (kagaya ng ‘Bawal Judgmental’) binitawan niya ang linyang, ‘Dito ay bawal ang judgmental, Bawal Judgmental, ay sa inyo yun!,’  habang nagbibigay payo sa mga kalahok. Which of course ay pang-asar sa Eat Bulaga ng TAPE Inc..

Hay, sa sobrang observant ng mga tao, napakadali talaga nilang pansinin ang mga kagayang senaryo kaya tuloy mapapa-pindot ka ng remote para panoorin ito hahaha.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …