PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MAS emosyonal ang pagbabalik ng E. A.T. ng TVJ sa TV5 kompara sa highly electrifying and world-class production numbers ng It’s Showtime sa GTV ng GMA 7.
Dinala nga ng Kapamilya artists ang genius nila pagdating sa mga hindi matatawarang sayawan at kantahan sa compound at tahanan ng GMA7, at wala nga kaming masabi sa chopper entrance ni meme Vice Ganda.
It was indeed one of the grandest openings sa TV na napanood natin dahil nag-combine-forces nga ang dalawang higante sa mundo ng TV.
On the other hand, mukhang puso naman ang apela at atake ng TVJ at Dabarkads dahil bukod sa history na bitbit ng show nila, tunay namang tumama sa puso ang kahit hindi nagsasalitang mga footage nila habang pumapasok sa bago nilang tahanan na TV5.
At mukhang itinodo na nila ang pagpapakita ng lakas ng show dahil ipinakita nila ang suporta ng mga kapamilya nila, mga audience mula sa kalsada hanggang sa studio, ang mga politiko at negosyante, hanggang sa mga advertiser nilang nagpakita ng loyalty. Nakakaloka ‘yung pag-roll call ng mga sponsor ng show na para bang sinasabi pa nilang hindi nga sila iniwan ng mga ito.
And take note, hindi man sila nagkaroon ng mga named artists gaya ng It’s Showtime, sapat na ang Dabarkads para panoorin sila.
Very evident din ito sa naging views ng both shows sa socmed world dahil halos doble ang number ng viewers ng TVJ kompara sa It’s Showtime.
Simula pa lamang ito ng araw-araw nating pag-aabang sa dalawang shows na nabanggit habang ang ikatlong show mula sa TAPE Inc ay mukhang napag-iwanan nga sa maraming aspeto.