Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Buboy Villar Eat Bulaga Friend Winner

Buboy umaming kaibigan ang nanalo sa Ikaw Ang Pinaka segment ng EB

MA at PA
ni Rommel Placente

INAMIN ni Buboy Villar panayam sa kanya ng GMA Network, na totoong kaibigan niya ang nag-viral na studio contestant, na sumali sa Ikaw Ang Pinaka segment ng noontime show nilang Eat Bulaga. Pero hindi raw iyon scripted tulad ng paniwala ng publiko.

Marami ang nag-post sa social media na namukhaan nila ang kaibigan ni Buboy at sinabing kakilala nga iyon ng binata dahil palagi itong lumalabas sa kanyang mga vlog sa YouTube.

“Well, talagang nasa script po ‘yung laro namin, kasi siyempre mahirap naman po ata ‘to, hindi naman po ito birthday lang na parang magsabi kami ng, ‘Bring me,’ ‘yun na po agad ‘yung laro namin.

“So aral po ‘yung mga laro namin dito, pero pagdating na po sa mga contestant ay hindi na po namin alam ‘yun,” simulang paliwanag ni Buboy. 

Kasunod niyon, sinabi pa ni Buboy na totoong kaibigan niya ang nasabing contestant, “Naawa rin po ako sa part ng contestant kasi fan ko po ‘yun, fan ko po ‘yun na sobrang sumuporta sa akin.

“Sa kabila ng mga taong nagsasabi ng masasakit na salita sa akin although okay lang naman po sa akin ‘yun, tumatanggap naman po ako ng opinyon ng iba, sumuporta itong kaibigan ko na ‘yun.

“At sobrang saya ko dahil nandoon siya, nakita ko siya, at napili siya ng mga co-host ko rin, so the show must go on, pinaglaro siya. Lahat naman po puwedeng manalo eh, sabi nga po namin sharing is caring and caring is winning,” aniya pa.

“Hindi ko alam na manonood siya ng ‘Eat Bulaga.’ Hindi ko talaga expected kasi ang una kong gustong nandoon sa stage ay ‘yung nanay ko, siya ‘yung in-invite ko.

“Gusto ko saksi ‘yung nanay ko roon kasi unang-una po sa lahat, ‘Eat Bulaga’ po ito part po ito ng history, tapos tutungtong po kami sa stage ng ‘Eat Bulaga,’” paliwanag pa ni Buboy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …