Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
AlDub, Alden Richards, Maine Mendoza

Maine gusto pa ring makatrabaho si Alden

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI itinanggi ni Maine Mendoza na gusto pa rin niyang makasama si Alden Richards sa bagong Eat Bulaga.

Sa ginanap na TVJ and Dabarkads Media Day hindi ikinaila ng actress-TV host na umaasa siyang makakasama pa rin nila ang dati niyang ka-loveteam.

“Hindi ko alam kung paano ang mangyayari pero si Alden naman ay legit Dabarkads,” sabi ni Maine nang matanong ang fiancee ni Arjo Atayde sa posibilidad na maging bahagi pa rin si Alden ng noontime program nila.

“Hopefully, hindi ko pa rin alam eh, pero hopefully makasama namin siya rito sa show namin sa TV5,” sambit pa ni Maine.

Sinabi pa ni Maine na may communication pa rin sla ni Alden, “Kaming mga Dabarkads naman constant pa rin ‘yung communication dito sa bagong show, bagong tahanan, ‘yung updates ganoon pa rin.”

Samantala, ipinagmamalaki ni Maine  ang paninindigan niya para sa TVJ kaya pinili niyang sumama sa pagre-resign nila sa TAPE Incorporated.

Kasi for me no amount of money can buy for my established values, self-respect and loyalty.

“So sa pagtanggap namin, sa akin, eight years ago, noong sumama ako sa ‘Eat Bulaga’ ang maibabalik ko lang sa kanila ay ‘yung loyalty ko, ‘yung pasasalamat ko, and ‘yung tulad ng paglaban nila sa amin, ilalaban din namin sila kahit saan,” sabi pa ni Maine.

Bagamat naka-leave si Maine, sinuportahan pa rin niya ang TVJ at ang Dabarkads para sa pagharap nila sa entertainment press. “Actually naka-leave na talaga ko for the wedding planning so naka-alot na ‘yung June and July ko for wedding planning pero ayon siyempre hindi ko naman pwedeng iwan sila sa mga ganito. Tulad nga ng sabi ko, kung anong laban nila, laban din namin.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …