SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
TIYAK na puno lagi ang simbahan kapag si Piolo Pascual ang nagmimisa o nangangaral. Minsan pala kasing pinangarap ng aktor na magpari o maging pastor.
Sa media conference ng horror movie na pagbibidahan niya, ang Mallari handog ng Mentorque Productions, naibahagi nitong 18 years old pa lang siya ay gusto na niyang maging seminarista.
“I wanted to be a priest, I was I think, 18, I attended the seminar,” anito.
“I remember, I had a conversation with a priest and I told him, ‘gusto ko sanang magpari na lang para mas madali ang buhay.’ And then he said, ‘you have to be a college graduate first.”
At noong maging Christian naman siya ay nais naman niyang maging pastor.
“I told my Pastor the same thing, ‘Pwede bang magpastor na lang ako para mas madali rin ang buhay.’ Sabi niya, ‘no, we need people like you in the business,’”
Na-feel na lang ng aktor na hindi para sa kanya ang priesthood kaya ipinagpatuloy na lang niya ang pag-aartista at ngayon ay nagpo-produce na rin.
Sa Mallari, kakaibang challenge ang haharapin ni Piolo na gaganap bilang si Fr. Severino Mallari, ang paring naging serial killer noong 1840 at pumatay ng 57 katao sa Pampanga.
Tatlong karakter ang gagampanan niya sa pelikula kaya triple rin ang gagawing pagpapahirap sa kanya.
Pamamahalaan ang Mallari ni direk Derick Cabrido at plano itong isali ng Mentorque Productions sa Metro Manila Film Festival 2023.