Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
TVJ Tito Vic Joey

Bossing Vic iginiit Eat Bulaga pa rin ang gagamitin, ‘di papayag kunin ng kung sino-sino

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BUBULAGA na lang sa Hunyo 1 ang magiging titulo ng show nina Tito, Vic, at Joey kasama ang legit Dabarkads sa paglabas nila sa kanilang bagong tahanan, ang TV5.

Ayaw pang magbigay ng pahayag ang TVJ sa kung ano nga ba ang magiging titulo ng show nila sa TV5 dahil gusto nila itong maging sorpresa kapag umere na sa TV5.

Kaya naman pahulaan ang title nito. Eat Bulaga, It It Bulaga, o Let’s Eat Dabarkads.

“‘Eat Bulaga’ pa rin!” sagot ni Bossing Vic sa kung ano na ang magiging title ng noontime show nila.

Sundot naman ni Joey, “Kunwari Lunes ngayon, sabihin ni Vic, our title for today is… then for Tuesday, ito naman and so on and so forth. So everyday, may element of surprise, ‘di ba?”

“Iba-iba,” hirit naman ni Allan K.

Bagamat hindi pa maihayag ang title, tiniyak ng TVJ na mapapanood pa rin sa kanilang show ang “Pinoy Henyo” at “Bawal Judgmental” at iba pa. 

Tiniyak din ng TVJ na magiging hands on sila sa buong production dahil sa binuo nilang TVJ Productions, Inc.na siyang magpo-produce ng sarili nilang show kasama ang MediaQuest Holdings at siyempre ang TV5 ni Manny V. Pangilinan.

Iginiit pa ni Bossing Vic na Eat Bulaga pa rin ang gagamitin nila, “Ako more than half of my life…sa ‘Eat Bulaga,’ kapag absent ako, parang may kulang sa buhay ko tapos kukunin lang ng kung sino-sino?! Hindi papayag si MVP!”

Inihayag naman ni Tito Sen na never ipinaalam sa kanila ng TAPE ang pagpa-file nito noong 2011 ng trademark.

Anong ibig sabihin niyon? Pagkatapos na-expire, paano ngayon? At saka trademark ‘yon. Trademark, it only shows na ang tinarget kung paano kikita. Bakit? Ang trademark na naka-file, goods. 

Not copyright, this is not copyright at all actually. The copyright belongs to Joey de Leon. Ganoon ‘yon. 

“So kahit mag-file pa ang kahit sino ng copyright, this is backed up by law and jurisprudence not only in the Philippines but also abroad. 

Even if you file 10 copyrights or 100 copyrights for something you do not own, talo ka. Why? A copyright is always during the moment of creation. 

“Ang may-ari, the one creator. ‘Yun ang katotohanan kaya  ‘Eat Bulaga’ is TVJ. TVJ is ‘Eat Bulaga,’” paliwanag pa ng dating senador.

Hindi naman naiwasang maging emosyonal sina Vic at Joey at iba pang legit Dabarkads nang magpasalamat sila sa TV5 sa pagbibigay sa kanila ng bagong tahanan.

Sa kabilang bandanapaka-init ng pagtanggap ng TV5 sa TVJ at legit Dabarkads.

Welcome home, TVJ.”, ani MQuest Ventures President at CEO, Jane Basas

Our new show with TVJ and Dabarkads is only the beginning. We plan to make TV series, live shows, and movies at TVJ Productions. This will surely delight Pinoys here at home and overseas.”, dagdag pa nito.

This is it. It’s good to be home.”, sabi naman ni Tito. “We appreciate the warm welcome from our Mediaquest familyNow it’s time to get to work.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …