Sunday , November 17 2024
isko moreno smile

Yorme Isko iginiit Eat Bulaga ‘di gagamitin sa politika, retirado na raw

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ENJOY at akma bilang isa sa host si dating Manila City Mayor Isko Moreno ng bagong Eat Bulagasa GMA 7. Lalo na iyong namimigay siya ng pera na talaga namang nag-abono pa siya.

Alam naman nating doon sanay si Yorme, sa pagbibigay ng tulong.

Hindi rin matatawaran ang talent ni Yorme sa pagsasayaw na muling nakita sa noontime show nang humataw siya sa kanyang signature dance number na Dying Inside.

Sabi nga ni Yorme, parang nagbalik siya sa panahong nagpe-perform sa That’s Entertainment na tatlong dekada na ang nakararaan.

Balita namin, magiging regular na si Isko bilang host ng longest-running noontime show sa Pilipinas kaya naman may mga negang reaction agad ang ilang netizens.

Anang mga nega, gagamitin ng dating Manila mayor ang show sa political career nito.

Maagap naman ang manager ni Yorme na si Daddy Wowie sa paglilinaw at sinabing imposibleng gamitin ng kanyang alaga ang Eat Bulaga sa ambisyon nito sa politika.

Hindi totoo ‘yun. Hindi naman niya kailangan ang ‘Eat Bulaga,’ giit ni Daddy Wowie nang makausap namin sa special screening ng pelikula nina Gina Alajar at Ricky Davao sa Net 25 Films, ang Monday First Screening.

“Unang-una mayroon siyang Youtube Channel na doing well. Hindi niya kailangan marami siyang followers. Bakit sasabihin na ginagamit niya ang ‘EB.’ Siya ang kailangan ng ‘Eat Bulaga,’” pagmamalaki pang turing ng manager.

Naikuwento pa ng manager ni Yorme na ita-try niya muna ng kanyang alaga ang pagho-host sa EB at kung magugustuhan itutuloy nito. “At kung magugustuhan siya ng Tape Inc, itutuloy niya,” sabi pa ni Daddy Wowie.

Kinuha pala talaga ng Tape Inc si Isko para makasama nina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, Alexa Miro, at ng kambal na Mavy at Casy Legaspi.

Sinabi naman daw ni Isko, ayon sa isang source na wala na itong planong sumabak muli sa mundo ng politika. Katunayan, kahit may humihikayat muli rito na tumakbo bilang mayor sa Maynila ay tinanggihan nito.

Anang dating alkalde, ipinauubaya na niya ang Maynila sa kasalukuyang alkalde nitong si Honey Lacuna.

Maging si Daddy Wowie ay kinompirma ito at nagbitiw din daw sa kanya ng salita ang alaga na sa ngayon wala muna sa kanya ang politika.

Napag-alaman din namin na sina Isko at Paolo ang lalabas ng studio para sa bago nilang segment na naka-pattern sa “Sugod Bahay” at “Juan For All, All For Juan.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …