Saturday , November 16 2024
Wilbert Ross Yukii Takahashi

Ang Lalaki sa Likod ng Profile, koneksiyon at kilig sa Episode 8

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PITONG linggo na ang nakararaan mula noong lumabas ang unang episode ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile mula sa Puregold Channel, nakakuha na ng milyong views ang serye–sa mga teaser at episodes. Lumawak na rin ang mga tagapagtangkilik ng kapana-panabik na tambalan nina Bryce (Wilbert Ross) at Angge (Yukii Takahashi).

Malinaw mula sa mga numero ang lahat: bawat episode ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile ay bakalilikim ng 90,000 hanggang 171,000 views, habang 160,000 hanggang 186,000 naman para sa bawat trailer. 

Kung lalahatin, 12.3 milyon na ang views sa Facebook at YouTube. Dagdag pa rito, ang opisyal na hashtag na #anglalakisalikodngprofile ay mayroon nang mahigit sa 12 milyon views sa Tiktok. Patunay lamang nito na walang makatatalo sa mahuhusay na kuwentong pag-ibig, at ang kilig nitong dala-dala.

Walang pagdududa na inaabangan na ng mga manonood ang bawat bagong episode tuwing Sabado ng gabi, at nakatutok sa pag-unlad ng kuwento.

Dahil sa pagpapakita ng tradisyonal na mga paniniwala at gawi ng mga Filipino, at ng modernong mga karanasan sa online dating, kumapit ang mga manonood sa Ang Lalaki sa Likod ng Profile. Sa naratibong mayroong saya, pagpapatawa, at kilig, nakikilahok ang fans sa paghihirap at ligaya ng mga tauhan.

Bakas din sa mga komento ang epekto ng serye sa mga manonood.

Ani Lavender Gurl sa Episode 7, na nagkita na sina Bryce at Angge, “Grabe, sobrang kilig ko na nagkita na sila! Love love love it to the max over! Sana matagal pa matapos. Ang ganda ng songs at ang linis ng quality ng video. Bagay talaga sila.”

Dagdag naman ni Grande Sorella Vlog, Finalmente! Nagkita rin sila. I love it! Thanks Ninang Puregold. Naku, ituloy niyo na po ang kilig ha. Huwag na kayong maging bitter, char! Waiting for the next episode.”

Si Jamil De Torres, masayang naghihintay sa bawat episode. “Excited na sa episode 8. Nagkita na sila, grabe. Kapana-panabik naman ang story, paganda nang paganda!”

Pagbibiro ni Dorothy Joy Emiliano, “Mas excited pa ako dito sa series na ito kaysa sa sahod ko, promise.”

Paniniwala ng Puregold, itong napakaraming views at nakatutuwang mga komento ay testamento ng mahusay na contentna nagagawa ng channel.

Ani Ivy Piedad, Marketing Manager ng Puregold, “Ipinagmamalaki namin ang impact ng serye sa mga manonood. Ito ay tunay na repleksiyon ng dedikasyon ng Puregold sa paggawa ng dekalidad na retailtainment. Mahalaga at nakakokonekta ang mga Filipino sa mga kuwentong inilalatag ng Puregold Channel, at masaya kaming maramdaman ang kanilang positibong pagtanggap.”


Sa susunod na episode, lilipat na sina Angge at Bryce mula sa digital na mundo, tungo sa totoo at pisikal na espasyo. Kikiligin ba ang dalawa? Uunlad ba ang kanilang pagkakaibigan sa pag-iibigan? May manunumbalik ba mula sa nakaraan at magsisilbing pagsubok sa namumuo nilang relasyon?

Abangan ang Episode 8 sa Hunyo 10, 7:00 p.m., sa paglabas nito sa opisyal na Puregold Channel sa YouTube.

Gusto mo ba ng LIBRENG entertainment? Mag-subscribe na sa Puregold Channel sa YouTube. Para sa iba pang updates, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at ang @puregoldph sa Tiktok. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …