REALITY BITES
ni Dominic Rea
BOMBANG sumabog kung tutuusin ang biglang paglisan nina Tito, Vic at Joey last week sa bakuran ng Tape Inc na tuluyang iniwan ang Eat Bulaga sa GMA. Nitong Lunes pasabog naman ang nangyari nang ianunsiyo nilang sa bakuran na sila ng TV5 mapapanood at Eat Bulaga pa rin ang dadalhing titulo ng kanilang show.
Pagmamay-ari raw ng TVJ ang Eat Bulaga at hindi kanino man dahil sila raw ang nagpakahirap sa titulong ito sa nakalipas na higit tatlong dekada.
Ang tanong, lalo bang lalakas ang TV5 dahil sa pagpasok nila sa estasyon o tuluyang ikalulubog nila? Tama bang sa Kapatid Network sila umawra o mali? Ano kaya ang naging mas malalim na negosasyon?