HARD TALK
ni Pilar Mateo
AGUINALDO.
Kaapu-apuhan siya ng ating iginagalang na dating pangulo at bayani na si Heneral Emilio Aguinaldo.
Nasa mundo na ng showbiz si Lizzie. Suggestion nga sa kapatid ni Bong Revilla na si Diane (na tumutulong sa newbie singer) at nanay ng dalaga na si Sabel, na mas maganda na huwag na lagyan ng apelyido ang tataglayin nitong screen name.
Papayag ba naman ang angkan ni Lizzie?
May single na siya sa Star Music. ‘Yung Baka Pwede Na si Direk Joven Tan ang sumulat at naglapat ng musika.
Pinabongga ng nanay ni Lizzie ang launching ng single niya sa Luxent Hotel.
Pero noong panahon ng promo ng Kahit Maputi Na ang Buhok Ko, na pelikula tungkol sa buhay ng songwriter na si Rey Valera, isinasama-sama na sa mall shows si Lizzie. At kumakanta na nga.
Sa pamamagitan ng producer na si Edith Fider at kaibigan nitong si Atty. Billie Lim, naipakilala sa magsasama sana kay Lizzie sa cast ng When I Met You in Tokyo ang dalaginding. Na pinagbibidahan nina Vilma Santos at Boyet de Leon. Hindi siya natuloy doon sa shoot sa Japan. At ang sabi nga eh, dito na lang kukunan ang kanyang mga eksena.
Pero natapos na ang pelikula, hindi na siya naipatawag pa.
Kaya nga sa musika na lang niya magko-concentrate si Lizzie.
Base sa mensahe ng kanta na pinalalaganap ngayon ni Lizzie, awit ng puso na tila nagpapahiwatig sa pagpapalaya ng damdamin ng isang gustong magmahal.
Obviously, tubong Cavite si Lizzie dahil sa kanyang angkan. Kaya naman buo ang suporta sa kanya ng mga taga-Cavite sa lahat ng kanyang ginagawa. Mapa-Santacruzan man ‘yan, Pistang Bayan at marami pa.
Kaya siya rin ang napisil na kunin para mag-endoso ng Lucky Homes Apartments (Camila) na pag-aari ni Atty. Billie Lim. Sa pamamagitan nina Philip Evardone at Ela Mazo, isiniwalat nila kung bakit si Lizzie ang napisil nila para maging mukha ng mga bahay na up for grabs na sa parteng ‘yun ng Cavite (Purok 14 Panungyanan Road Barangay San Agustin, Trece Martires).
At dahil nga Caviteña, pasok na siya sa kalinga ng mga Revilla. Kaya ‘di malayong sumalang ito sa sitcom sa GMA-7. Pero sa Star Music ang kanta. Ay, ano ba!?
Nasa isang malaking billboard na sa kanyang paaralan sa International British Academy ang mukha ni Lizzie bilang suporta ng mga guro at kamag-aral.
What’s next?