Sunday , December 22 2024
Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, TVJ

TVJ sa TV5 na mapapanood 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KASADO na ang  paglipat ng iconic show nina Tito, Vic, at Joey sa TV5. At ang posibleng titulo ng bagong noontime show ng TVJ ay Dabarkads.

Ayon nga sa usap-usapan, hindi tuluyang magbababu ang Eat Bulaga ere dahil “done deal” na raw ang gagawing paglipat sa TV5.

Sabi nga ni Joey de Leon sa kanyang Instagram post, “We’re not signing off… we are just taking a day off!”Kaya mukhang totoo na two weeks lang magpapahinga ang TVJ at iba pang Dabarkads at babalik na muli sila para simulan agad ang isang bagong show.

Hindi pa naman naglalabas ng official statement ang TV5 ukol sa usap-usapang ito pero matunog ang tsikang tatawagin ang bagong show bilang, Dabarkads.

Marami ang nalungkot at nakisimpatya sa nangyaring biglang pagbababu sa ere ng Eat Bulaga at ng TVJ. Hindi nga sila nagkaroon ng pormal na pamamaalan on air dahil pinagbawalan na sila ng bagong management ng TAPE Inc. na umere nang live.

Napanood na lamang ang farewell announcement ng Eat Bulaga sa official Facebook account at YouTube Channel at doon idinaan ang madamdamin pagpapaalam bilang hudyat ng katapusan ng kanilang show.

Sinabi naman ng GMA 7 na  hanggang 2024 pa ang kontrata ng TAPE at Eat Bulaga sa kanila pero wala pang kasiguruhan kung ano ang ipalalabas nila sa timeslot ng nasabing noontime program.

May balitang inalok daw ng  bagong management ng TAPE Inc. sina  Wally Bayola, Paolo Ballesteros, at Jose Manalo na manatili sa Eat Bulaga para maging pangunahing host ng noontime show. Pero tumanggi ang tatlong Dabarkads.

Sa ipinalabas namang statement ng TAPE Inc kahapon sa pamamagitan ni Mr Romeo “Jon” Jalosjos Jr., (president) at Seth Frederick “Bullet” Jalosjos (Director for Finance), sinabi nilang ikinalulungkot nila ang mga nangyari pero inirerespeto nila ang desisyon ng mga host na iwan ang Eat Bulaga at GMA 7. 

Sinabi rin sa statement na ang tagumpay ng Eat Bulaga ay hindi nakadepende sa tatlong personalidad bagkus sa pagtutulong-tulong ng mga talent, crew, at loyal viewers nito.

Narito ang kabuuang statement ng TAPE Inc.

“TAPE, Inc. is saddened by the turn of events yesterday, May 31 but we respect the decision of the hosts to leave Eat Bulaga and GMA 7 Network, which has been their home for 28 years.

“We are grateful to the men and women who worked tirelessly for the past 43 years to make our noontime show number 1. The success of Eat Bulaga is not dependent only on three (3) people but on the collaborative efforts of its talents, crew and loyal viewers.

 “We are happy for the full support of GMA 7 in making Eat Bulaga bigger, to bring more fun and excitement to every Filipino.

“We want to assure the public and the supporters of the show through its segments that we are committed to provide quality entertainment.

 “It is unfortunate, but life must go on. As with life, we have to accept changes but we have a duty to every Filipino.

Abangan ninyo ang mga bagong magpapasaya at magpapatibok ng ating mga puso. Aasahan ninyo ang mas masaya, mas nakakaaliw at HIGIT PA SA ISANG LIBO’T ISANG TUWA na Eat Bulaga. Patuloy ang Dabarkads na maglilingkod para sa inyo, mga Kapuso MULA APARRI HANGGANG JOLO AT SA BUONG MUNDO.

“Ang pag-alis ng mga hosts ay hindi dahilan para tumigil ang pag-ikot ng mundo. 

“Maraming Salamat!”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …