Sunday , December 22 2024
Rozz Daniels Irelyn Arana Harold Jerome Derf Dwayne

Soft Rock Diva na si Rozz tuloy ang kaso kay Ivy Violan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

DINIDINIG pa rin pala hanggang ngayon ang kasong isinampa ng tinaguriang Soft Rock Diva na si Rozz Daniels laban kay OPM singer, si Ivy Violan sa Wisconsin, USA.

Sinampahan ni Rozz ng claim suit si Ivy dahil hindi umano nito natupad ang usapan nilang gagawan siya ng pitong kanta  gayung nakapagbigay na sila ng P500,000.

Ani Rozz sa isinagawang presscon noong Linggo, isang kanta lang ang nagawa ni Ivy sa pitong kantang usapan nila.

Nasa Pilipinas ngayon si Rozz para sa kanyang concert na isinagawa noong Linggo rin sa Music Box, ang  The Rocks and Rozz Show na tinampukan din nina Irelyn Arana, Harold, Jerome, at Derf Dwayne.

“Sa ngayon, it’s still ongoing . Ang next hearing is on June 14,” aniya pa at sinabing may tatlong hearing pa sila. 

Hindi ko sana gagawin (magdemanda) pero I just want na matigil ang ginagawa niya, hindi lang para sa akin, para sa kaibigan ko, at sa lahat ng nagawan ng ganito. I think, it’s a moral lesson na hindi lahat natatakot kapag tinatakot,” giit ni Rozz.

Samantala, ang The Rocks and Rozz Show na tampok sina Rozz at Irelyn ay  napapanood sa KUMU tuwing Saturday. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …