Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joko Diaz

Joko ratsada sa paggawa ng pelikula sa Viva

REALITY BITES
ni Dominic Rea

NAKASALAMUHA ko ang mahusay na aktor na si Joko Diaz last week habang nagsusyuting ng pelikulang Sex Hub ni Direk Bobby Bonifacio for Vivamax

Nasa isang dekada kong hindi nakita si Joko pero noong makita niya akong pumasok sa standby area namin, touching nang batiin niya ako at kinamusta.

Mahal ko ang pamilya nila dahil close rin sa akin noon si Cheska Diaz

Anyways, ratsada ngayon sa paggawa ng pelikula sa bakuran ng Viva si Joko. Maganda kasi ang naging deal maybe nila ni Boss Vic Del Rosario na itinuring na tatay-tatayan at kaibigan ni Joko sa panahon pa man ng kanyang amang si Paquito Diaz. 

Well-mannered talaga si Joko at ‘yan ay isa lamang sa mga magagandang naging kaugalian ng mga artista noong 90’s na aking naabutan. Marunong silang rumespeto at magbigay pugay at tinatandaan talaga nila ang mukha ng mga reporter. Unlike ngayon, naku, ‘yung iba, ilang beses mo ng nakasalamuha at nainterbyu, kapag nakita ka kahit saan, hindi ka kilala at hihintayin pa talaga nilang ikaw ang unang bumati sa kanila. 

Kaya sila ngayong mga nag-aartista, ayan, susulpot lang bigla at nawawala rin. Iba ang 70’s 80’s, at 90’s na mga artista, tumatatak talaga sila. Kaya nagtatagal sila until now!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …