Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marco Gallo Miguel Rodriguez

Marco Gallo maihahalintulad kay Miguel Rodriguez

REALITY BITES
ni Dominic Rea

SERYOSONG tao o hindi mahaplos ang image nitong si Marco Gallo na bidang lalaki sa Viva One series na The Rain In Espana with Heaven Peralejo na nag-season premiere na kahapon, May 1.

May karapatan naman siya dahil mukhang ‘mamahalin’ naman talaga ang datingan ni Marco at mukhang gentleman pa. ‘Yan daw ang naging impression ng karamihang cast sa series ni Theodore Boborol. Pero kapag nakilala mo naman at nakasalamuha si Marco ay napaka-low profile nito at bungisngis din. 

Nasilip namin ang ilang eksena niya sa series at mukhang nag-improve na ang kanyang acting skill at ikaka-proud mo na siya. Malalim na rin si Marco kapag umarte at kapag nabigyan siya ng isang bonggang karakter pa sa mga gagawin niyang pelikula, naku, sisikat pa lalo si Marco.

Naalala ko tuloy ang paborito kong sexy actor noong 80’s and 90’s na si Miguel Rodriguez. Remember? Iba rin kasi ang dating nitong si Marco. ‘Ika nga nila, mukha pa lang, ulam na. What more kapag nag-shirtless pa ‘yan, ‘di ba???

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …