Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cindy Miranda JM De Guzman

JM lalong gumaling umarte, Cindy epektibong asumera

REALITY BITES
ni Dominic Rea

ADIK na adik si Cindy Miranda kay JM De Guzman sa pelikulang Adik Sa ‘Yo ng Viva Films na kasalukuyang palabas sa mga sinehan nationwide.

Grabe! Hindi talaga ako makapaniwalang magaling din umarte itong si Cindy sa role niyang estupidang babaeng asumera sa pag-ibig na naadik sa kaguwapuhan ni JM.

She played her role very well at ang ganda niya naman talaga sa screen.

Just like the old days ‘ika nga nila, huwag na huwag mong kuwestiyonin ang husay ng isang JM De Guzman. Napakahusay niya rin sa movie. Swak na swak ang kuwento nito at parang kuwento niya eh! Joke.

Feeling ko, lalong humusay si JM sa kanyang pagiging aktor huh. Pakiramdam ko, lalong lumalim ang kanyang hugot at lalo mo siyang mamahalin sa pelikulang ito na idinirehe ni Nuel Naval.

Napakaganda ng script. Buo na ang movie eh sa siksik ng kuwentong matatawa ka, mai-inlove ka at kuwentong pamilya.

Very light and the musical scoring, the pailaw, wow talaga ang movie at plantsado ang takbo and never akong na-boring.

Beautiful film. Ang saya ng movie! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …