I-FLEX
ni Jun Nardo
MATUNOG ang pangalan nina former presidential candidate Isko Moreno at last year’s senatoriable candidate, Herbert Bautista sa mga mauupo bilang cabinet member ni President Bongbong Marcos kapag natapos na ang one year ban sa mga tumakbong kandidato last May 2022 elections.
Sa Department of Social Work and Development (DSWD) daw ilalagay si Moreno habang sa DOTR (Departmen of Transportation) si Herbert.
Ilang araw na lang eh Mayo na. Kaya tinanong namin sina Moreno at Bautista kaugnay ng kumakalat na post sa social media tungkol dito.
“Deadma lang muna tayo,” sagot sa Viber sa amin ni Yorme.
Sagot naman ng secretary ni HB sa tanong namin tungkol sa napipintong appointment niya, “Huh? Hindi po ba fake news ‘yan? Hindi po naming alam…”
Of course, it’s too early to react dahil wala pa namang official announcement mula sa Palasyo.
But siyempre, maraming taga-showbiz ang matutuwa kapag sina Bautista at Moreno ay nakasama sa Cabinet members ni PBBM, huh!