REALITY BITES
ni Dominic Rea
HINDI ko maiwasang bigyang papuri si Ken Chan after kong mapanood ang latest film niyang Papa Mascot ng Wide International na mapapanood na sa April 26 sa mga sinehan.
Mula simula hanggang matapos ang pelikula ay binantayan ko ang bawat eksena ni Ken. Tinutukan ko ang kanyang mga mata at kilos sa kanyang eksena kung paano niya ito aatakihin at dalang-dala ako ni Ken na simula pa lang ay nagagalingan na ako sa kanya bilang isang aktor sa telebisyon.
Big break kay Ken ang pelikulang ito.
Napakahusay niya sa bawat eksena sa pelikula. Hindi mo puwedeng pintasan. Ikaka-proud mo ang ipinamalas niyang galing bilang isang aktor.
Ken Chan gave his all. His best in this movie na kahit kapwa niya aktor ay pinuri ang kanyang husay.
More beautiful projects lang sana ang dasal ko for Ken. Congrats sa buong production staff, cast and crew ng pelikulang ito.