Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong Revilla Beauty Gonzales Lani Mercado

Beauty Gonzales ipapareha kay Bong 

MA at PA
ni Rommel Placente

ISASALIN na sa telebisyon ng GMA 7 ang pelikula noon ng mag-asawang Sen.Bong Revilla at Mayor Lani Mercado na Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis. Mapapanood ito weekly sa GMA 7 bilang isang sitcom.

Si Sen. Bong pa rin ang magiging bidang lalaki.

Sa tanong sa kanya kung sino ang magiging kapareha niya, ay ayaw pa niyang i-reveal. Secret na lang daw muna.

Pero may nakarating sa amin mula sa isang reliable source ng Marisol Academy, ang online show namin nina Roldan Castro at Mildred Bacud, na si Beauty Gonzales ang makakapareha ni Sen Bong.

Kung true man ito, bongga si Beauty dahil magiging leading man niya si Sen. Bong.

Noong lumipat si Beauty sa GMA 7 mula sa ABS-CBN,  ay mas lalong bumongga ang kanyang career. Hindi siya nawawalan dito ng proyekto. Siguro, ay masarap katrabaho si Beauty, wala itong attitude, kaya ganoon na lang ang suporta ng Kapuso Network sa kanya at sa kanyang career.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …