REALITY BITES
ni Dominic Rea
NATATAWA ako sa mga Facebook post at komentaryo ng ilang netizens patungkol sa latest film ni Coco Martin na Apag na kabilang sa mga pelikulang palabas ngayon mga sinehan para sa Metro Manila Summer Film Festival.
Ayon sa mga komento, nasaan na raw ang mga tagahanga ni Coco at mukhang nilangaw daw sa takilya ang kanyang pelikula?
Ayon pa sa isang nakapanood, nagsayang lang daw siya ng pera dahil waley daw ang latest film ni Ang Probinsyano at Batang Quiapo.
Sabi pa ng isang kaibigan, bakit daw kasi hindi nalang tutukan ni Coco ang kanyang pagiging TV actor dahil doon siya sinusuportahan ng kanyang mga tagahanga.
Well, maaaring hindi lang nagustuhan ng madlang pipol ang tema ng kanyang latest film kaya hindi nila ito bet panoorin. Ang siste, panget daw ang istorya nito? Hindi naman siguro, ‘di ba? Papasok ba ‘yan kung panget ang kuwento? Brillante Mendoza film pa naman ito. Ano kaya ang rason?