REALITY BITES
ni Dominic Rea
MUKHANG hindi maganda ang timing ng kasalukuyang Metro Manila Summer Film Festival ng MMDA. Mukhang minadali kaya pinuntirya ang April 8 na pagbubukas sa mga sinehan ng mga pelikulang kasama rito.
Ang siste, nitong Sabado nga nagbukas sa mga sinehan ang mga kasadong pelikula, Sabado de Gloria at patapos pa lang ang Semana Santa ng lingo bilang Araw ng Pagkabuhay. At mag-uuwian pa lang mula sa iba’t ibang probinsiya ang mga tao na galing sa gastos at kung ano-ano pa.
Walang ingay ang takilya huh! Wala ring nagsasabing sila na ang nanguna sa kita sa nakalipas na dalawang araw ng showing ng mga ito huh. Kakaloka!
Dahil daw sa mabagal na pasok ng pera sa MMFF Summer Festival ay maaring first and last na raw ito ayon pa sa aking source! Eh ‘di ganoon talaga!