Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Daniel Padilla

Daniel ‘di pa sure ang pagiging hurado sa PGT

REALITY BITES
ni Dominic Rea

LUMABAS ang isang artcard bago sumapit ang Semana Santa na nakalagay ang larawan nina Vice Ganda, Maja Salvador, Anne Curtis, at Daniel Padilla. May kinalaman ito sa pagbabalik telebisyon daw ng Pilipinas Got Talent na mapapanood sa ABS-CBN

Ayon sa balita, bukod kay Vice, bagong set of jurors daw sina Anne, Maja, at Daniel na papasok sa naturang reality show.

Naitanong ko ito kay Karla Estrada last week kung totoong may offer kay Daniel na maging isa sa mga hurado ng PGT.

Ow? Narinig ko. Pero hindi pa naman tumatango si DJ Dom. Naku, ‘di pa natin masasagot ‘yan sa ngayon Dom. Magsasabi naman si DJ kung gusto niya ‘yan o hindi,” sagot ni Karla.

Speaking of Karla na kagagaling lang sa isang Holy Week break kasama ang buong pamilya, excited na rin siya para sa pagbabalik-ere ng tinututukang reality show na Face 2 Face ng TV5

Si Amy Perez ang kauna-unahang host nito noon at tumabo ito sa ratings dahil harapang nabibigyang solusyon ang mga harapang pagtatapat ng mga magkaaway.

Excited na ako. Of course to host the show, then, ‘yung harapan mong makakasalamuha ang mga magiging guest naming may mga isyu, harapan at agad namang aksiyon at solusyon ang ating ibibigay sa kanila, ani Karla.

“Ibang level na rin ito sa pagiging host ko and thankful ako at grateful sa pagkakataong ito. Yakapin natin Dom ang lahat ng mga nagbubukas na oportunidad sa ating buhay. Kasi unang-una, ang hawakan mo ang isang show tulad ng ‘F2F’ ay hindi biro, nasa mata ka pa rin ng tao and at the same time, maging totoo ka sa bawat salitang bibigkasin mo lalo na at on the spot kang magbibigay ng payo o solusyon, bago ito and sisikapin nating patas lang at masaya ang bawat episode nito,” bulalas pa ni Queen na hanggang ngayon ay medyo nanlalambot pa rin sa biglaang pagkamatay ng itinuring na nitong pamangkin at kapamilyang si Andrei Sison nitong March 24 lang. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …