Saturday , November 16 2024
Lizzie Aguinaldo Vilma Santos Christopher de Leon

Apo ni dating Pangulong Aguinaldo pinasok ang showbiz

HARD TALK
ni Pilar Mateo

EVERY now and then, may susulpot at susulpot talagang bagong talento sa mundo ng showbiz.

Sa mini-presscon pa lang ng bagong producer na si Rajan Gidwani sa pamamagitan ni Joed Serrano, para sa proyektong muling magsasama at bubuhayin ang Vilma Santos-Boyet de Leon tandem, sa When I Met You In Tokyo,” may bagong mukhang napansin sa pagsalubong sa dalawang stars.

Hindi mo aakalain na 15 years old lang ang nagtataglay ng magandang mukhang ‘yun.

Lizzie Aguinaldo! Rings a bell?

Sino pa ba ang agad mong maiiisip sa tunay na apelyidong taglay niya.

Hindi Pasko ha. Ang unang Pangulo ng ating Republika. Si Emilio Aguinaldo. Opo. Lolo ng lolo niya ang kung tawagin sa panahon niya eh, si Ka Miong.

Nasa real estate business ang mga magulang ni Lizzie. At dahil kaibigan ang producer ng Vi-Boyet project, pati na ang gumigiya ngayon sa karera ni Lizzie, ang producer ng #SummerMMFF2023 entry na Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera), na matutunghayan na ngayong Abril 8-18, 2023, bilang manager niya, sasabihing nasa tamang direksiyon naman ang susundan ni Lizzie sa pagpasok niya sa showbiz.

Kahit pagkanta ang first love nito na nasimulan nang paslit pa lang at the age of 6,  humanga na ito kina Lani Misalucha, Whitney Houston, Alicia Keys, at Celine Dion.

Family friend nila, si Atty. Billie Sue ang nakatunog sa pagkahilig ni Lizzie sa musika. Kaya nahikayat na ang mga magulang niya na pagtuunan ng pansin ito. Hanggang sa makilala na sina Ms. Edith Fider at direk Joven Tan, na alam naman nating isang premyadong composer.

At dahil kaibigan din nila ang producer ng Vi-Boyet project, minabuti nila na tanggapin ang alok ng producer na maisama na si Lizzie sa cast.

‘Yun nga lang, hindi makakasama sa Japan si Lizzie dahil bukod sa school niya ay may inaasikaso rin siyang iba pa na may kinalaman sa pagiging musikera niya. Pero ang mahahalagang eksena niya ay siguradong matutunghayan pa rin sa inaabangang proyekto. Nasa 9th grade si Lizzie sa Internarional British Academy in Imus, Cavite.

Aside from singing, I really like dancing din po, as well as sports, like volleyball and badminton. I’m also interested in playing instruments like guitar & piano po. This early, no. Wala po sa plano ko to be in politics.”

Pagpapakilala pa lang sa isa na namang baguhang tiyak mamahalin sa taglay nitong talento sa pag-awit. At ngayon naman eh, pag-arte.

Oh, yes! Pamilyar na pamilyar siya kay Ate Vi. Kaya nga excited na siyang makasama ito kahit sa maikli mang eksena.

Sigurado, wish granted ‘yan kina Tito Rajan at Papa Joed! 

About Pilar Mateo

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …