Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vanessa Hudgens

Vanessa Hudgens nagsimula nang mag-shoot sa Palawan  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

DUMATING na noong Sabado ang Filipino-American actress na si Vanessa Hudgens para simulan ang shooting ng gagawin niyang travel documentary ukol sa kanyang family history. Ito ang kauna-unahang pagkakataong nakapunta ng Pilipinas ang aktres. 

Sinalubong si Vanessa ng ilang opisyal ng Department of Tourism, gayundin ng  Presidential Adviser on Creative Communications na si Secretary Paul Soriano.

Agad namang lumipad sa Palawan noong Linggo si Vanessa para mag-shoot na agad ng kanyang travel documentary. Dumating si Vanessa sa El Nido at sinalubong siya ng  grupo ng mga Filipina singer na may kasamang kalabaw.

Ibinahagi ito sa pamamagitan ng isang video ng isang netizen sa ABS-CBN News, na makikita si Vanessa kasama ang kapatid nitong si Stella at inang Pinay na si Gino, na kasama sa gagawin niyang docu.

Bukod sa Palawan, kukunan din niya ang ilang lugar dito sa Manila. 

“I feel like ours is such a relatable story to so many women all over the world. The more that we can share, the more we can lift each other up,” sabi ni Vanessa.

Ibinahagi naman ng Publicity Asia, PR firm ni Vanessa, sa kanilang Instagram,  ang naging  pagdating ng Hollywood actress mula Los Angeles.

Caption nila sa kanilang post, “FilAm Hollywood star @vanessahudgens arrives in Manila via Philippine Airlines from Los Angeles.”

Ang gagawing  dokumentaryo ni Vanessa ay mula sa TEN17 Productions ni Sec. Paul na siya rin ang magdidirehe.

“We are honored to work with Vanessa for this film project. It’s inspiring to note that with everything she has achieved in life, she wants to discover her Filipino roots and pay homage to her mother’s country,” anang direktor.

“Hopefully, this opens doors for many more collaborations to come,” dagdag pa ng mister ni Toni Gonzaga.

Ang taping ng docu ay gagawin sa Manila at Palawan na ite-trace ni Vanessa ang kanyang pinagmulan bilang isang Filipino-American.

Unang nakilala at sumikat ang Hollywood star sa Disney Channel na High School Musical. Bumida rin siya sa mga pelikulang The Knight Before Christmas at The Princess Switch.

Mapapanood din si Vanessa sa indie comedy na French Girl at Bad Boys 4. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …