Friday , November 22 2024
Jhassy Busran John Heindrick Sitjar MJ Manuel UHome

Jhassy, John, MJ malaki ang impact sa UHome

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI pa man napapanood ang launching movie na Roommate ng tambalang Jhassy Busran at John Heindrick Sitjar pero heto’t sunod-sunod agad ang maraming project. Isa na rito ang pagiging endorser nila kasama si MJ Manuel ng University Home o UHome student dormitory sa may Piy Margal-Lacson Streets, Manila.

Kaya naman ganoon na lamang ang kasiyahan ng tatlong bagets sa mga project na ipinagkakatiwala sa kanila.

“Masaya po kasi wala pa ‘yung launching movie namin pero ang dami ng nagtitiwala  sa amin at nakakakita ng potential sa aming dalawa. At ngayon kasama pa namin si Kuya MJ. 

“So, ang fulfilling po niya honestly, na ganoon po. Katulad po nina Sir Jayson (Bautista) na pinagkatiwalaan po nila kami. Sobrang saya po,” ani Jhassy sa isiangawang contract signing nila sa UHome kamakailan.

Bale ikatlong endorserment ni Jhassy ang Uhome habang ikalawa ni John Heindrick.

“Tinitingnan ko po ito as another blessing. Thank you, Sir Jayson sa pagtitiwala sa amin. At saka naging close na rin kami kay Sir Jayson noong nag-taping kami rito ng ‘Roommate.’ (Facebook-series),” ani John Heindrick. 

Sa UHome pala kasi ginawa ang shooting ng naturang Facebook series na ipinakita kung gaano kaganda, kalinis, at kakomportable ang tirahang iyong ng mga estudyante na tamang-tama sa mga nag-aaral sa UST, FEU, NU, at iba pang unibersidad sa Maynila. Bukod kasi na apat lamang na indibidwal ang laman ng bawat kuwarto, kompleto sa pasilidad ang UHome tulad ng study hall, recreational room, swimming pool, wifi at iba pa.

 Sabi nga ni UHome’s leasing department manager Jayson Bautista, “One of the requirements namin kasi kaya sila ang napili namin  is one of course, malaking tulong talaga ‘yung naging part ng ‘Roommate.’

“‘Yung collaboration namin sa ‘Roommate,’ ipinakita nila kung ano ang difference ng University Homes compared sa maraming dormitories. And doon sa mga target market namin are students. 

“And maganda rin ang image nila bilang katulad nilang mga estudyante ang target namin para sa mga ganitong condormitel.

“Basically, the same age nina Jhassy, Heindrick and MJ. They made an impact doon sa mga ka-age nila as well as part namin sa marketing as brand ambassadors.”

Bukod dito good investment din ang UHome ani Mr Jayson. Kaya kung hanap ninyo ang komportableng tirahan at magandang investment, go na kayo sa UHome.  

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …