Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Elijah Canlas Miles Ocampo Coco Martin

Elijah kinumbinse si Miles na makipaghalikan, gawin ang rape scene sa Batang Quiapo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Elijah Canlas na ipinaaalam muna niya sa kanyang girlfriend na si Miles Ocampo at sa kanyang mga magulang ang paggawa niya ng daring scenes o sexy movies. Sinabi rin ng award winning actor na handa rin siyang mas maging bolder pa sa ginawa niya sa LiveScream ng The IdeaFirst kung okey ang project.

Sa paglulunsad sa kanya bilang pinakabagong alaga ng Cornerstone Entertainment noong Martes na ginawa sa Privato Hotel, sinabi ni Elijah na ipinaaalam muna rin niya sa management at kapag umokey ito ay at saka niya sinasabi sa kanyang GF at sa kanyang parents.

“And with the right project, yes I can be bolder pa sa ginawa ko sa ‘Livescream.’ When I did the ‘Livescream’ I want to explore the other side talaga. And na-achieve naman namin iyon. And I’m so proud sa project na iyon, it’s just wala masyado nakapanood kasi nasa Vivamax Plus kami and hindi siya na-screen sa theater kasi R-Rated nga,” esplika ng batang aktor.

At kung may mga ganito siyang klaseng project, ipinaaalam niya sa kanyang dyowa at parents. “Ipinaalaman ko po sa dyowa ko (Miles) and sa parents ko. Pero mas madali nang ma-convince ang parents ko at si Miles kapag okey na sa management ko ang project. So it’s always starts with my management,” sabi pa ni Elijah.

At dahil gumagawa siya ng daring movies, natanong ang aktor  kung papayagan ba niyang gumawa rin ng ganito si Miles. “Kung tama po ang project, yes. Ako po nga po ang nagpu-push sa kanya na magkaroon ng kissing scene. Kasi bago naging kami never pa siya nakipag-kissing scene. Very conservative siya.

“Dati nagka-work kami, may kissing scene kami, ayaw niya. Kasi never pa siya nagka-kissing scene. Kaya noong naging kami na may karapatan na akong sabihan siya na, ‘hey oras na i-explore mo ang side na ito. You have to be braver with your choices and everything.’ And she has many projects na nagawa na hindi pa naipalalabas and she’s excited.’

Reaksiyon naman ni Miles nang sabihan niya ito, “Natawa po siya kasi baligtad kami. Siya naman ayaw niya akong may kissing scene.

Napanood nga raw ni Miles ang lovescene nila ni Katrina Dovey sa Livescream at ang komento ng kanyang GF/actress, “Noong time na iyon wala na siyang magagawa kasi tapos na. Ang sinabi na lang niya, ‘congratulations.’

“Pero honestly, I felt na she’s sincere when she said na ‘he’s proud of me.’ Late siya noong screening pero bumubulong siya na super proud siya sa akin kasi alam niya ang pinagdaanan ko with that project. 

“I remember when I’m preparing for ‘Livescream,’ hesitant siya sabi niya, ‘kailangan ba talaga? Kailangan ba talaga?’ But it makes sense kasi ganoon naman talaga kapag partner mo, very possessive sometimes. Sometimes ganoon din ako but at the end of the day we will support each other lalo na if it’s other’s best,” esplika pa ng aktor.

Ipinaalam naman din naman ni Miles ang ukol sa rape scene nito sa Batang Quiapo na nag-trendingIpinaalam naman niya kasi nabasa ko rin ang script niyon. Kasi nga we help each other to prepare sa mga project namin. Natawa ako noong una, sabi ko ‘game.’ I said it’s a powerful scene at siya ang makagagawa ng tama. ‘Tama na ikaw ang gagawa niyan.’ Excited ako sa anumang gagawin niya and she did amazing.”

Samantala, mapapanood si Elijah sa About Us and Not About Us na isa sa walong entries na kasama sa Metro Manila Summer Film Festival at sa upcoming history drama na GomBurZa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …