Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Oras de Peligro

Oras de Peligro magsasabog ng katotohanan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAPAPANOOD na sa Marso 1 ang sinasabing pinakamatapang na pelikula ng multi-awarded director na si Joel Lamangan, ang Oras de Peligro na initial venture ng Bagong Siklab Productions nina Atty Howard Calleja at Alvi Siongco.

Ipakikita sa pelikula ang kuwento ng ordinaryong pamilya sa punto de vista ni Beatriz( Cherry Pie Picache), ang butihing asawa ni Dario (Allen Dizon), jeepney driver.

Sa panahon ng Edsa Revolution, sa kasagsagan ng pagpapatalsik sa rehimeng Marcos mahaharap ang pamilya ni Beatriz sa kawalan ng hustisya hanggang sa pagkamulat kasama ang pamilya hinggil sa kanilang karapatan bilang Filipino.

Suportado ang pelikula ng mga aktuwal na video footages kaya isa siyang tunay na docu drama na magpapakita ng tunay na nangyari sa panahon ng Edsa Revolution.

Base sa mga totoong karakter ang kuwento kaya inaasahan na makatotohan ang sitwasyon ang mga karakter at sitwasyon sa pelikula. Layunin ng Bagong Siklab na gumawa ng makabuluhang pelikula na sumasalamin sa katotohanan at tunay na nangyari sa kasaysayan.  Bagamat docu drama, entertaining ang pelikula at tiyak magpapaluha sa mga manonood. 

Mula sa panulat nina Boni Ilagan at Eric Ramos kasama rin sa powerhouse cast sina Therese Malvar, Dave Bornea, Nanding Josef, Jim Pebanco, Mae Paner, Alan Paule, Marcus Madrigal, Elora Espano, Gerald Santos, Rico Barrera, Timothy Castillo, at Crysten Dizon. 

Mapapanood siya sa mga piling sinehan with R-13 MTRCB ratings ang Oras de Peligro simula Marso 1.

Samantala, naiyak si Cherry Pie sa premiere showing ng Oras de Peligro noong Pebrero 23, Huwebes, sa SM Megamall.

Ani Cherry Pie, “Nakatataba ng puso. ‘Yung iba, pagkatapos manood, naiyak.

“It’s very nostalgic, to remember everything that happened noong 1986. Unang-unang beses kong napanood ‘yung nagdikit-dikit na.

Pagdating sa eksena ko, naiiyak ako. Naaawa ako kay Beatriz!” na ang tinutukoy ay ang ginampanan niyang karakter.

“Pero for a while, sabi ko, ‘Ano ba ‘yan?! Iyak siya nang iyak!’ Beatriz, iyak ka nang iyak… pero humupa naman noong bandang huli.

Kasama ni Cherry Pie sa premiere ng Oras de Peligro ang kasintahang si Edu Manzano.

Sa kabilang banda natanong naman si direk Joel sa kung kaninong karakter siya naka-relate sa kanyang pelikula.

Anito, ang karakter ni Beatriz. Dahil aniya, “‘Yung naghahanap ng hustisya. Isa ako sa mga naghahanap ng hustisya, hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ng hustisya.”

Kaya ganoon ang naging tugon ng magaling na direktor ay dahil dalawang beses itong nakulong noong panahon ng Martail Law.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …

Christine Dayrit 60 Dream Holidays Around the World

Lipa City Top Global Destination sa 60 Dream Holidays Around the World ni Cristine Dayrit

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez LIPA, isang lungsod sa Batangas na paboritong local destination ng may …

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …