Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bamboo KZ Tandingan Martin Nievera

Bamboo, KZ, at Martin aarangkada na sa The Voice Kids

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAPAPANOOD na ang muling pagtuklas at paggabay nina Rockstar Royalty Bamboo, Asia’s Soul Supreme KZ Tandingan, at Philippines’ Concert King Martin Nievera sa mga kabataang nangangarap na maging sikat na mga mang-aawit, ito’y sa The Voice Kids na magsisimula sa Sabado at Linggo (Peb 25 & 26).

Ayon kay Bamboo, isa sa mga orihinal na coach ng programa, excited na siya sa bagong kabanata ng The Voice Kids at karangalan niyang maging coach kasama sina KZ at Martin.

I do miss them [former coaches] a lot. Those were my guys as well. But I do look forward to this season. It is a new day,” sabi ni Bamboo sa isang panayam sa  kanya ng TV Patrol.

Handa na rin sina KZ at Martin para sa matinding hamon sa pagtutok sa mga bagong talent na balang araw ay magpapatuloy sa OPM brand.

“I have very big shoes to fill. Medyo, mabigat ‘yung responsibility,” pag-amin ni KZ.

Dahil isang talent search program ang The Voice Kids, kailangan ding harapin ng coaches ang unti-unting pamamaalam ng mga contestant sa bawat yugto ng kompetisyon na magiging mabigat sa kanilang mga puso.

Everyone knows how soft my heart is so I am really preparing myself. I might bring an extra heart,” sabi ni Martin.

Samantala, magiging hosts naman sina Bianca Gonzalez at Robi Domingo ng bagong season na inilarawan ni Robi bilang “kakaiba, pero exciting.”

Nag-post naman sa social media si Bianca para ilabas ang kanyang nararamdaman ngayong bahagi na siya ng The Voice Kids.

Still honestly incredibly surreal. Honored, happy, grateful, nervous, excited, halo-halo na,” pahayag ni Bianca sa kanyang Instagram.

Kabilang din sa mga bagong aabangan ng viewers ang pagiging hosts ng The Voice Kids DigiTV nina The Voice Kids season 2 champion Elha Nympha at The Voice Teens finalist Jeremy G na makikipagkwentuhan sa mga young artist.

Sinong The Voice Kids auditionees kaya ang magpapabilib kina coach Bamboo, KZ, at Martin sa blind auditions? Abangan sa The Voice Kids na pangarap ang puhanan at boses ng bulilit ang labanan, tuwing weekend sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at iWantTFC tuwing 7 pm at sa TV5 (tuwing Sabado, 7:00 p.m., tuwing Linggo at 9:00 p.m.).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …