Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Isko Moreno Ruffa Gutierrez

Yorme Isko na-pressure sa eksena nila ni Ruffa

MA at PA
ni Rommel Placente

SI former Manila Mayor Isko Moreno ay isa sa cast ng Martyr or Murderer. Gumaganap siya bilang si former Senator Ninoy Aquino.

Ang huling pelikula na ginawa ni Yorme bago siya nag-comeback sa Martyr or Murderer, ay ang Bonifacio: Ang Unang Pangulo noong 2014 na pinagbidahan ni Robin Padilla.

Gumanap siya roon bilang Padre Jose Burgos, isa sa GomBurZa (o MaJoHa?).

Sa media conference ng MOM, tinanong si Yorme kung kinalawang na ba ang kanyang acting ability sa tagal na hindi siya nag-artista?

Natatawang sagot ni Yorme, “Ha! Ha! Ha! Ha! Well, it’s up to Darryl to say such thing. Basta one, thank you kay Tito Lhar Santiago, Lito Mañago, Ricky Calderon.

“You know why? It reminded me of the training that I had. Noong nag-uumpisa kasi ako, ‘yung tatlo na ‘yun, sila ang nagte-training sa akin sa showbiz.

“Doing so, muscle memory. Plus as I have said, some studies about Senator Ninoy. Actuation, mannerism, and of course with Direk Darryl. Tinatanong ko siya kung, ‘Eto ba, gusto mong makuha or makita sa lente?’

“Direk Darryl is very helpful. And the team is very helpful. So, may kaba ng kaunti. Lalo na… eto! Trivia, hindi natanong kanina.

“‘Yung first ko is the New York incident. Kami ni Ruffa [Gutierrez], first scene namin of the day. 

“OK, first scene of the day, nagre-rehearsal kami ni Ruffa, bigla ba namang sabi ni Direk, ‘OK, OK! Eto, pan-trailer itong scene na ‘to.’

We were like… ‘Direk naman. Breaking the ice pa lang kami.’ Tapos biglang… ‘yun! Nakaka-pressure but I hope you will like it and I hope, everyone magustuhan ‘yung eksenang iyon.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …