Thursday , December 26 2024
Isko Moreno Martyr or Murderer

Yorme Isko ‘di nagdalawang-isip sa movie ng mga Marcos — Wala akong ampalaya sa buhay

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKABIBILIB si dating Manila Mayor Isko Moreno dahilhindi naging hadlang ang pagkakaiba ng kanilang kinaaanibang politika para hindi tanggapin ang role na iniatang sa kanya sa Martyr or Murderer ng Viva Films na mapapanood na sa March 1 sa mga sinehan.

Hindi nagdalawang-isip na tanggapin ni Yorme ang offer ng Viva Films na gumanap na Ninoy Aquino sa Marcos movie na MoM. 

Magkalaban sa pagka-Pangulo sina Yorme Isko at Pangulong Bongbong Marcos noong nagdaang May, 2022 national elections na ikinatalo niya.

Ani Isko, agad siyang umoo sa MoM dahil bukod sa talagang gusto niyang umarte uli, itinuturing niyang malaking karangalan ang mapasama sa pelikula ng Viva Films at ni direk Darryl Yap.

Immediately, I said yes, kaya I’m happy and honored. It’s also a great challenge to portray such character like Ninoy who was declared by the state as a hero. It’s a happy experience.

“May mga nakaiintrigang portion sa ‘MoM’ na dapat panoorin, kaya ‘yun ang dapat nilang abangan,” sambit ni Isko.

Pinuri naman ni Sen. Imee Marcos ang dating Manila Mayor. Anito, nagulat siya nang pumayag si Yorme na gumanap na Ninoy.

Sagot naman ni Isko, “Good thing coming from the senator kasi wala akong ampalaya sa buhay. In a competition, may nananalo, may natatalo. It just so happen na ako ‘yung natalo, and that’s it.

The next day, there’s a new day, there’s new life. Even Imee can attest to this, Bonget…sorry I call him Bonget kapag medyo kilala mo na.

“President Bongbong Marcos is also a mutual… parang, alam nila produkto nila ako. The mom, First Lady Imelda Marcos, built Tondo High School. Doon ako nag-graduate and they know it.

“September 25 nang dumating si Apo (dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.) sa eroplano, sa tarmac. I was there.

“Wala akong asim sa kanila. It’s just so happen that we competed and I lost, and that’s it. Nandoon na ‘yung tuldok ng buhay. Ngayon, I’m trying to make a living,” sambit pa ni Yorme.

Idinagdag pa ni Yorme na wala muna siyang planong sumabak muli sa politika dahil mas gusto niyang subukan muli ang pag-aartista. Kailangan din kasi niya ng trabaho para may pagkakitaan at patuloy na masuportahan ang kanyang pamilya.

Showing na sa mga sinehan nationwide simula sa March 1 ang Martyr Or Murderer” Kasama rin dito sina Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, at Cesar Montano.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …