RATED R
ni Rommel Gonzales
IPALALABAS sa mga sinehan ang Oras De Peligro, sa direksiyon ni Joel Lamangan, sa March 1, at katapat nito ang pelikula tungkol sa mga Marcos, ang Martyr Or Murderer.
Hiningan namin si Dave Bornea, na gaganap bilang pelikula ng reaksiyon tungkol dito.
“Actually, wala po ako talagang idea eh, outdated nga ako sa mga nangyayari kasi medyo lay-low muna ako sa social media, so more on nag-a-upload lang ako, pero outdated ako sa mga nangyayari sa social media.
“Kung mayroon mang ganoon, if they produced that movie, eh ‘di good for them, ganoon, basta sa amin this film is our truth, so iyon,” pahayag ni Dave na ang mga magulang sa pelikula ay sina Allen Dizon (as Dario) at Cherry Pie Picache (as Beatrice).
Bukod kina Dave, Allen, at Cherry Pie ay nasa cast rin sina Therese Malvar, Allan Paule, Mae Paner, Timothy Castillo, Alvi Siongco, Crysten Dizon, Jim Pebanco, Nanding Josef, Apollo Abraham, Marcus Madrigal, Rico Barrera, Elora Espano, at Gerald Santos.