Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Michelle Dee 2

Michelle huling hirit na sa Miss Universe

RATED R
ni Rommel Gonzales

VALENTINE gift ni Michelle Dee sa kanyang mga supporter ang muli niyang pagsusumite ng aplikasyon bilang kandidata ng Miss Universe Philippines.

Binigyan ko po ang supporters ko ng isang malaking regalo.

“Ako po ay muling nag-apply sa Miss Universe Philippines 2023.

“So, kinukuha ko na rin po ang pagkakataon to thank GMA-7 for always supporting me and my dreams and for always giving me opportunities like ‘Mga Lihim Ni Urduja.’

“’Yun po ang Happy Valentine’s ko,” pahayag ni Michelle na gaganap sa karakter ni Freya sa serye, ang primetime drama series ng GMA-7 na mapapanood simula sa February 27.

Nag-apply ako ulit. Alam din naman po ni Celeste last year pa na may balak po akong sumali ulit this year,” rebelasyon ni Michelle.

“And for me, it’s really about not having regrets in life ‘coz last chance ko na this year. And it’s the kind of example na I wanna show my supporters na just keep fighting until wala ka nang maibigay or hindi mo na kayang gawin,” sinabi pa ni Michelle.

Si Celeste (pronounced as Cheleste) Cortesi ang mahigpit na nakalaban ni Michelle nang sumali ito sa Miss Universe Philippines noong 2022.

Si Celeste ang nanalo ng Miss Universe Philippines crown, at si Michelle ang itinanghal na Miss Universe Philippines Tourism o first runner-up.

Kapag pinalad this time, si Michelle ang lalaban para sa Pilipinas sa 72nd Miss Universe beauty pageant na gaganapin sa El Salvador sa December 2023.

Huling pagkakataon na ito ni Michelle dahil hanggang edad 27 lamang ang puwedeng sumali sa pgeant na siyang edad ni Michelle ngayon.

***

This film is our truth—Dave sa pagtatapat ng Oras De Peligro at MoM

IPALALABAS sa mga sinehan ang Oras De Peligro, sa direksiyon ni Joel Lamangan, sa March 1, at katapat nito ang pelikula tungkol sa mga Marcos, ang Martyr Or Murderer.

Hiningan namin si Dave Bornea, na gaganap bilang pelikula ng reaksiyon tungkol dito.

Actually, wala po ako talagang idea eh, outdated nga ako sa mga nangyayari kasi medyo lay-low muna ako sa social media, so more on nag-a-upload lang ako, pero outdated ako sa mga nangyayari sa social media.

“Kung mayroon mang ganoon, if they produced that movie, eh ‘di good for them, ganoon, basta sa amin this film is our truth, so iyon,” pahayag ni Dave na ang mga magulang sa pelikula ay sina Allen Dizon (as Dario) at Cherry Pie Picache (as Beatrice).

Bukod kina Dave, Allen, at Cherry Pie ay nasa cast rin sina Therese Malvar, Allan Paule, Mae Paner, Timothy Castillo, Alvi Siongco, Crysten Dizon, Jim Pebanco, Nanding Josef, Apollo Abraham, Marcus Madrigal, Rico Barrera, Elora Espano, at Gerald Santos.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …