Friday , November 22 2024
Dindo Arroyo Coco Martin Pen Medina

Pen Medina, Dindo Arroyo malaki ang pasasalamat kay Coco Martin

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ISA pa sa mabilis na nakakuha ng maraming views sa aming reels ang maluha-luhang pagbabahagi ng veteran actor na si Pen Medina sa naging pagtulong sa kanya ni Coco Martin.

Sa media conference ng bagong action-serye ni Coco na FPJ’s Batang Quiapo na mapapanood na simula Lunes, Feb 13, inihayag ni Ka Pen kung paano siya nabigyan ng tulong ng aktor noong sumailalim diya sa operasyon.

Hindi nga maitago  ni Ka Pen ang maluha at maging emosyonal nang ikuwento nitong tinulungan siya ni Coco na makabangon muli matapos malagay sa alanganin ang buhay.

Sumailalim noon ang 71-anyos na aktor noong July, 2022 sa isang spine surgery at kinailangan ng malaking halaga. Mabilis na tumugon dito si Coco nang manawagan ang pamilya ni Ka Pen ng tulong pinansiyal para sa tuloy-tuloy na pagpapagamot.

Napakalaki po ng pasasalamat ko dahil ‘yun nga po naospital ako, naoperahan. Napakatindi po ng aking pinagdaanan.

“‘Yun pong pagpapaospital ko, naoperahan ako sa spine, pinakamatindi pong tumulong sa akin si Coco. Kaya po noong lumabas ako as early as August, nagpasalamat ako sa kanya.

“Tinext ko siya, para magpasalamat nang personal aside from my post na pang-general sa lahat ng tumulong at nagdasal,” anang magaling na aktor.

Alam ko na alam niya na kailangan kong bumangon pa, kagaya ng ginagawa niyang pagtulong sa napakaraming mga walang trabahong artista.

“Sabi niya sa akin ‘Tito Pen, kaya mo na ba? Malakas ka na ba? Mag-taping tayo para hindi ka mainip sa bahay.’

“Ganoon lang kasimple, kaya tuwang-tuwa po ako, napakalaking bagay po ito sa akin at sa aking pamilya,” sabi pa ni Mang Pen na gaganap na tatay ni Lovi Poe.

Bukod dito, binigyan din ni Coco ng trabaho ang dalawa pa niyang anak na sina Karl Medina at Ping Medina, “Kaya I love you, ‘yun lang masasabi ko, I love you Coco, napakalaki ng utang na loob ko sa iyo.”

Sagot naman ni Coco sa pahayag ni Ka Pen, “Kasi nagsimula rin talaga ako sa wala. Sabi ko nga dati, ano lang ako extra, naranasan ko first acting experience ko minura ako ng direktor tapos pinapapalitan ako. Mahirap ‘yung pinagdaanan ko bago ako maging ganap na artista talaga.

“Tapos hindi man totally na artista ‘yung pangarap ko kundi normal lang na trabaho pero ang hirap ng oportunidad.

“Naranasan ko dati kahit nag-e-extra ka na, mayroong six months na wala, ‘yung nag-indie films ako naranasan ko na P2,000 lang ‘yung ibinayad sa akin, pero ako ang bida sa buong pelikula.

“Kumbaga, talagang gapang tapos ang lagi ko noong hinihintay ay oportunidad,” sambit pa ni Coco.

Ngayon na kahit paano may pagkakataon ka, nasa kamay ko na tumulong, bakit ko ipagkakait? Eh, kasi ayan ‘yung hinihintay ko dati, para mabuhay ko ‘yung pamilya ko. Kaya kapag nakikita ko ‘yung mga tao na kung puwede kong tulungan at nakikita kong deserving, bakit hindi?

“Bakit ko pahihirapan pa, kasi ang ibinibigay ko naman sa kanila trabaho, hindi naman manggagaling sa bulsa ko ‘yung ipasasahod. Pero isa lang ‘yung hinahanap ko sa kanila, ‘yung commitment, dedication, at pagiging propesyonal, ‘yun lang,” ani Coco.

Maging ang character actor na si Dindo Arroyo ay malaki rin ang pasasalamat kay Coco.

Anito, “malaking experience ko noon ang ‘Ang Probinsyano.’ Nawala kasi ang action noon at nawala si Manong Ron (Fernando Poe Jr.). Nang dumating ang ‘Ang Probinsyano’ ‘yun ang nagbigay sa akin ng break in. Binuhay ang career ko, napakain ko ang pamilya ko.

“Ngayon kinuha na naman ako, sabi ko, ‘a tataba na ang pamilya ko,” natatawang sabi pa ni Dindo na ang role ay kanan kamay ni Christopher de Leon

Mapapanood ang FPJ’s Batang Quiapo, gabi-gabi, 8:00 p.m. simula Feb 13, sa lahat ng Kapamilya Network platforms.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …