Friday , November 22 2024
Cristine Reyes Darryl Yap Eula Valdez

MOM, Eula trending; Direk Darryl iginiit love story at ‘di politika ang bago niyang pelikula

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MULI, pinag-usapan at mabilis nag-trending ang Martyr Or Murderer ng Viva Films na idinirehe ni Darryl Yap sa Twitter Philippines noonggabi nang  ilunsad  ang official trailer kasabay ang media conference na ginawa sa Podium Hall, Huwebes ng gabi.

Iba’t iba ang naging reaksiyon ng netizens sa trailer ng MOM tulad din ng naunang Maid In Malacañang. Kung marami ang na-shock sa MIM, tiyak na mas marami ang magugulat sa MOM.

Sa trailer na unang ipinakita sa media conference bago sa mga social media platform, ikinagulat at pinalakpakan ito lalo na sa nakagigimbal na tagpo. Ang tinutukoy namin ay ang tawag na natanggap ni Sen. Imee Marcos mukq kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. anin na taon na ang nakararan. Ang tawag ay mula sa balisang si Bongbong na sinabing, “Imee, tingin ko…dinaya ako ni Leni.”  Na ang tinutunukoy ay si dating Camarines Sur representative Maria Leonore Robredo na tumalo kay Bongbongmo sa vice presidential elections noong 2022.

Ang MOM ay pinagbibidahan nina Cristine Reyes bilang Imee Marcos, Ruffa Gutierrez bilang First Lady Imelda MarcosDiego Loyzaga bilang batang Bongbong Marcos, at Cesar Montano bilang si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ilan pa sa nakagugulat sa trailer ng MOM ay ang ilang  kaganapan matapos mapatalsik sa Malacañang ang pamilya Marcos, confrontation scene nina Imelda at Ninoy Aquino, at ang tinukoy naming pasabog sa ending ang paglabas ng award-winning actress na si Eula Valdes na gumaganap bilang present Imee Marcos.

Kasama pa rin sa MOM sina Beverly Salviejo, Ella Cruz, Kyle Velino, Franki Russel at marami pang iba.

Samantala, iginiit naman ni Direk Darryl na love story ang MoM at hindi politika.

“I always believe that every story is a love story, mapa-drama, action, horror, there’s always love in it.

“So, if this is something with history, I still think this is a love story. Whether Imelda and Ferdinand are in love with each other, there’s also love for the country. Even with the Aquinos, their love for their family and their love for their country as well. And you know, just doing this movie…. it’s a love story between Viva and the Philippine history. So, I guess, that everything is a love story in this film,” anang direktor.

Sinabi pa nitong ang pelikula niya ay isang family in crisis movie.

Ipalalabas na sa Marso 1 ang MOM. Ipakikita rito ang nangyari sa pamilya Marcos bago at matapos ang EDSA Revolution, isang pasilip sa kanilang “life in exile,” at ang talakayan tungkol sa mga kontrobersiya na kinasangkutan ni Imee sa Morocco. Talaga bang nagtago siya at nameke ng mga pasaporte? Paano ito hinarap ng kanyang mga kapatid? Paano ipinagpatuloy ng mag-asawang Marcos ang kanilang buhay matapos matanggalan ng kapangyarihan at dignidad?  

Nais ding magbigay ng mga kasagutan ang pelikulang ito sa mga walang-kamatayang katanungan tungkol kina Pangulong Ferdinand  Marcos at ang kanyang pinaka-matinding katunggali, si Sen Benigno Simeon Aquino, Jr..

Paano nagsimula ang kanilang hidwaan? Ano ang tingin kay Ninoy ng mga taong nakapaligid sa kanya? Bakit isinisisi sa mga Marcos ang kanyang pagkamatay?  

At ang mas malaking katanungan:  Sino ang tunay na bayani? Sino ang tunay na kriminal?

Si Isko Moreno ang gumaganap na Ninoy Aquino. Ang batang Ninoy ay si Jerome Ponce.  Kasama rin sa powerhouse cast sina Marco Gumabao bilang batang Marcos Sr., Cindy Miranda bilang batang Imelda, at si Rose Van Ginkel bilang Maricar, ang kaibigan ni Imee sa in Morocco.  

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …