Friday , January 10 2025
Darryl Yap Martyr or Murderer

Direk Darryl nakaranas ng death threats, pelikulang Martyr or Murderer maraming pasabog

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PASABOG ang mga kaganapan last week sa presscon ng “Martyr or Murderer”, ang ikalawang yugto sa Mega Blockbuster hit na “Maid in Malacañang” ng direktor na si Darryl Yap.

Bukod sa matinding trailer nito na ipinakita sa presscon, nalaman namin na nakaranas ng death threats si Direk Darryl.

Aniya, “A lot, during Maid In Malacanang I received a lot of death threats and that’s the reason why I changed three of my cars, at an instant. Binenta ko iyong tatlo…

“As of now, I dont post anything that I own, because I don’t want to, you know, be in any staged accident. Of course, I still feel and fear for my life.

“Hindi totoo iyong nasasanay ka, walang totoong ganoon, ‘no.  Sa tagumpay, sa peligro, o sa trabaho, I dont think may nasasanay. It’s just a matter of how you handle it and how you handle it in front of the public.”

Pagpapatuloy pa ni Direk Darryl, “Of course my family is not really accustomed to it. They always fear for my life and always say na, ‘Dont be too risky, don’t be too vocal about whom your supporting’.

“Ako naman I always try my best to be fair, but you know, even though I try my best, I don’t suceed most of the time, hahaha!”

Is it worth it?

Nakangiting sagot ni Direk Darryl, “Yeah, you know, the fulfillment and the… you know, I always try to be magnanimous in victory. I always try to appreciate every praise, I qualify, kahit papuri at puna, kinu-qualify ko. Hindi ako basta lumalaki ang ulo o nadi-disheartened sa puna ng iba, I always try to be very objective.

“So… iyon lang, ano naman ako, hindi naman ako… pasaway lang ako, sutil lang ako, pero hindi naman ako talaga ano sa mga tao, hahaha!”

Anyway, makikita sa pelikulang “Martyr or Murderer” ang nangyari sa pamilya Marcos bago at matapos ang EDSA Revolution, isang pasilip sa kanilang “life in exile”, at ang talakayan tungkol sa mga kontrobersiyang kinasangkutan ni Imee Marcos sa Morocco. Talaga bang nagtago siya at nameke ng mga pasaporte? Paano ito hinarap ng kanyang mga kapatid? Paano ipinagpatuloy ng mag-asawang Marcos ang kanilang buhay matapos matanggalan ng kapangyarihan at dignidad?

Nais ring magbigay ng mga kasagutan ang pelikulang ito sa mga walang-kamatayang katanungan tungkol kina Pangulong Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos at ang kanyang pinaka-matinding katunggali, si Senador Benigno Simeon Aquino, Jr.

Paano nagsimula ang kanilang hidwaan? Ano ang tingin kay Ninoy ng mga taong nakapaligid sa kanya? Bakit isinisisi sa mga Marcos ang kanyang pagkamatay?

At ang mas malaking katanungan: Sino ang tunay na bayani? Sino ang tunay na kriminal?

Nagbabalik sina Cristine Reyes, Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Diego Loyzaga, at Ella Cruz bilang Imee Marcos, Ferdinand Marcos, Imelda Marcos, Bongbong Marcos, at Irene Marcos. 

Si Isko Moreno ang gumaganap na Ninoy Aquino. Ang batang Ninoy ay si Jerome Ponce.

Kasama rin sa powerhouse cast sina Marco Gumabao bilang batang Marcos Sr., Cindy Miranda bilang batang Imelda, Elizabeth Oropesa at Beverly Salviejo bilang mga kasambahay ng kanilang pamilya, at si Rose Van Ginkel bilang Maricar, ang kaibigan ni Imee sa Morocco.

Tunghayan ang pagpapatuloy ng kanilang kwento sa big screen. “Martyr or Murderer” mapapanood na sa mga sinehan nationwide, simula ngayong March 1.

About Nonie Nicasio

Check Also

Gerald Santos

Gerald ‘maghuhubad’ ng katauhan sa Courage concert

RATED Rni Rommel Gonzales BAGO magtapos ang 2023 ay nakahabol pa kami ng tsikahan with …

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …