RATED R
ni Rommel Gonzales
EMOSYONAL si Jennylyn Mercado habang bini-video ang muling pagkikita ng kanyang mag-amang sina Dennis Trillo at Baby Dylan.
Nauna na kasing tumungong Las Vegas si Jennylyn at Baby Dylan para magbakasyon.
Sumunod naman si Dennis sa Amerika matapos ang taping nito para sa Maria Clara at Ibarra.
Sa isang Instagram video ay makikita ang bonding moment nina Dennis at Baby Dylan na parehong masayang-masaya sa muli nilang pagkikita.
Ngayong tapos na si Dennis sa MCI taping, balitang si Jennylyn naman ang sasabak sa taping ng Love. Die. Repeat na nahinto ang taping last year dahil nabuntis si Jennylyn.
Leading man dito ni Jen si Xian Lim na una munang mapapanood sa Hearts On Ice sa GMA.