Friday , November 22 2024
Judy Ann Santos-Agoncillo Sam Milby The Diary of Mrs Winters

Juday sa The Diary of Mrs Winters — sumikip ang puso ko at umikot ang tiyan ko

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MARAMING bagay ang ikinonsidera ni Judy Ann SantosAgoncillo para muling gumawa ng pelikula. Taong 2019 pa kasi ang huling pelikulang napanood ang aktres at ito ay sa Mindanao na isinali sa Metro Manila Film Festival at nagwagi siya ng Best Actress.

Sa mediacon ng pelikulang The Diary of Mrs Winters na pinagbibidahan nila ni Sam Milby handog ng AMP Studios Canada at Happy Karga Films aminado si Juday na pinoproseso muna niya ang lahat ng iniaalok sa kanyang proyekto.

Isang horror movie ang The Diary of Mrs Winters at ang huling horror film na nagawa niya ay ang  Tyanak noong 2014 nina Peque Gallaga at Lore Reyes.

Natanong si Juday kung bakit ngayon lang siya gumawa uli ng pelikula na inabot ng apat na taon.

“I was waiting for the right material and at the same time siguro andoon na rin ako sa part na pinoproseso ko ‘yung bawat proyektong tinatanggap ko. Is it worth to be away from my family  and my children? If it’s worth the time and the effort. Kasi kung hindi magluluto na lang ako sa bahay. Aalagaan ko na lang ang mga anak ko kasi for me that’s worth it.”

Sinabi pa ni Juday na ipinagdasal niya na kung gagawa uli siya ng horror, dapat na maganda.

“I was looking for a horror project that would challenge me and would be different,” sambit ni Juday. “So when I read the script from direk Rahyan (Carlos), direk Rahyan personally message me and I learned na it’s a collaboration with sir Ricky Lee, I knew it’s gonna be a good story.”

Forte ni direk Rahyan ang horror ani Juday kaya nakadagdag points iyon para lalo siyang ganahang gawin ang The Diary of Mrs Winters kahit hindi niya feel ang snow. Sa Canada kasi isu-shoot ang pelikula.

“And ang pinakagusto ko kasi sa horror, good ang nananalo kaysa evil. Sa pangkalahatan naman ‘yun ang gusto natin ayaw naman natin na nananalo ‘yung hindi mabuti,” sabi pa ng magaling aktres.

“And then ang naging clitcher lang naman sa akin while it took a while to say yes and confirm my availability kasi sa Canada ‘yung shoot and it would require me to be away from my kids for such a long period of time. But we were able to do something about it kasi gusto ko siya (movie) talagang gawin. 

“When I read the script dati pa alam ko na magandq siya at kailangan ko siyang gawin kasi sumikip ang puso ko at umikot ang tiyan ko. That’s how I based a project when it’s good, I have to do it kapag alam ko na hindi na ako makahinga sa ganda o tawang-tawa ako kapag binabasa ko. I know I’ll be able to deliver this character kasi nabi-visualise ko siya kung paano siya mangyayari.”

Sinabi pa ni Juday na, “And I trust direk Rahyan with the online workshop, although it’s just online pero magaan agad ang pakiramdam ko sa kanya. Malaking bagay kasi sa akin ‘yung komportable ako sa lahat ng katrabaho ko.

Sa kabilang banda, isang dekada na ang nakalipas nang huling magkatrabaho sina Judy Ann at Sam sa teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala, at ang bago nilang pelikula ang itinuturing nilang comeback ng dalawa sa big screen. Ito rin ang unang horror film ni Sam.  

Isa ring comeback para sa box-office director ng mga horror films, direk Rahyan, kilalang director, scriptwriter, at tanging accredited teacher ng Chubbuck Technique dito sa Pilipinas itong pelikula.

Ang The Diary of Mrs Winters ay isinulat ng National Artist for Film at Broadcast na si Ricky Lee kasama si Direk Rahyan. Ito rin ang unang pagkakataon na makatrabaho ni Direk Rahyan si Judy Ann at pangako ng batikang direktor na isang kakaibang dramatic cinema experience ang movie na tiyak magugustuhan ng lahat. 

“When I first started HappyKarga Films with my business partner, Joy Tarce, we knew that we would bank on talents and collaboration both from other film outfits and from the artists. And we couldn’t be more grateful to have found a likeminded individual such as Rechelle Everden of AMP Studios Canada who also believes in the cutting-edge Filipino talent in terms of bringing stories into the big screen,” sabi ni Direk Rahyan.

Ang The Diary of Mrs. Winters ay tungkol sa isang Pinay bio-forensic assistant cleaner sa Canada na si Charity (Judy Ann), na isinumpa matapos itago ang diary ng isang matandang  babae na nag-commit ng suicide. Maraming kamalasaan ang nangyari sa kanya kabilang ang pagkamatay ng mga mahal sa buhay at ipaglalaban ang kanyang true love, na si Victor (Sam).

“To say that this is a dream project is an understatement. Not only because of the fact that I will be reuniting with Ricky Lee as this is our second collaboration, but also because we will be joined by Judy Ann and Sam. We are looking forward to work with both of them as we know that they are artists of world-class caliber. This is also the first full-length Filipino film to be shot amidst the panoramic Ontario, Canada” dagdag pa ni  Direk Rahyan. 

Ang The Diary of Mrs Winters ay ipalalabas sa 3rd quarter ng 2023 dito sa Pilipinas at abroad. 

Ang Happy Karga Films (HKF) na nagsimula noong 2021 ay brainchild ng dalawang creative minds, ang premier acting coach-writer-director at  top-notch TV at film producer. Pangarap nilang magamit ang kanilang passion at expertise sa filmmaking para makagawa ng relatable at relevant stories.

Ang AMP Studios Canada (AMP Studios)naman ay isang artist training at production company na nabuo noong

2019 sa Ontario, Canada. Nagbibigay ito ng education at training programs sa mga aspiring artists sa various aspects ng performing arts.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …