Sunday , December 22 2024
Jan B Entertainment Digital artists

JanB talents pasisikatin ang mga newbie singer

INILUNSAD kamakailan ng JANB ENTERTAINMENT, isang hybrid (into digital, mainstream & on the ground media) company na nag-o-offer ng original music na may genre na tulad ng Soul, R&B, Pop, Rock, OPM at global music, ang kanilang talents na kinabibilangan ng mga baguhan pero magagaling at talentadong singers. 

Ipinakilala kamakailan ang singer na Pinoy artist based sa New York na si Eytch Angeles na kamakailan ay kasama ng Filipino alternative rock band na Sponge Cola sa U.S. Jeepney Tour 2023 bilang isa sa mga front act.

Si Eytch ay singer at songwriter na ang latest single ay Sa Kalawakan.

Isa si Eytch sa mga ipinakilala sa first community mic series mediacon na produced by JanB Entertainment kamakailan sa Illusion Pub & Grille Cafe sa Mandaluyong City. 

Ipinakilala rin sina Ashley, Tif, Almyn, Boyong, at Chelle na alaga rin ng JanB.

Ani Jeanette Torres Bocobo,  CEO ng JanB, masuwerte ang ‘Pinas sa pagkakaroon ng mga talented singer na hindi lang nadi-discover at nabibigyan ng big break. 

Siyempre nga naman, sa pamamagitan ng JanB Entertainment, mas malaki ang chance na magsa-shine at maaabot 

ang kani-kanilang pangarap na magkaroon ng puwang sa music industry.

Nagparinig ang bawat isa sa alaga ng JanB at mabigyan lang sila ng pagkakataon na maibahagi ang kanilang talento tiyak na may puwang sila sa ating music industry. (MValdez)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …