Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin MVP Manny V Pangilinan

Coco Martin nagpasalamat kay MVP, Batang Quiapo mapapanood sa TV5

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGBIGAY-PUGAY si Coco Martin kay TV5 Chairman, Manny V. Pangilinan sa pagbubukas ng pinto sa kanya sa Kapatid Network.

Ganoon na lang ang kasiyahan ng actor/direktor sa pagbubukas sa kanya ng pintuan ng boss ng TV5 para maipalabas ang kanyang bagong serye, ang FPJ’s Batang Quiapo. Ito ay parte ng collaboration ng Kapatid at Kapamilya Network.

Kaya naman agad ibinahagi ni Coco ang larawan nila ni MVP sa kanyang social media account at sinabing tatatanawin niyang isang malaking utang na loob ang ginawang tulong sa kanya at sa kanilang show.

Anang caption ni Coco sa kanilang larawan, 

Maraming salamat po MVP sa pagbubukas ng pinto para sa Batang Quiapo sa TV5. Napakalaking tulong po para sa aming lahat ito. At tatanawin po naming utang na loob. God bless you po.”

Ipinasilip din ni Coco ang pakikipag-usap niya sa  iba pangTV5 executives kasama ang mga ABS-CBN executive na sina Mark Lopez, Carlo Katigbak, Cory Vidanes, at Bobby Barreiro

Kasama rin sa meeting/dinner ang ilang cast sa Batang Quiapo tulad nina Mark Lapid, John Estrada, at Cherry Pie Picache.

Mapapanood na sa Pebrero 13 ang FPJ’s Batang Quiapo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …